Mga senador, puro papuri sa judge na humawak ng kaso ni Sen. Trilllanes

Mga senador, puro papuri sa judge na humawak ng kaso ni Sen. Trilllanes

- Natuwa namana ang ibang mga senador sa naging hatol sa kaso ni Sen. Trillanes

- Pinuri ng mga senador ang judge na humawak ng kaso ni Trillanes na si Andres Soriano

- Buti na lang daw at pinanigan ni Soriano ang katotohanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang naging resolusyon sa kasong kinaharap ni Senador Antonio Trillanes IV, umani naman ng papuri si Judge Andres Soriano dahil sa kanyang naging pasya sa kaso.

Nalaman ng KAMI sa Rappler na pinuri ng mga senador ang “courage” ni Judge Soriano. Para kay Sen. Bam Aquino, pinanigan daw ni Soriano ang katotohanan sa kaso.

“We laud Judge Soriano for siding with the truth, and for his courage amidst seemingly insurmountable pressure,” sabi ni Aquino.

Nagpapasalamat din si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa paninindigan ni Soriano sa rule of law.

“We are thankful that Judge Soriano chose to uphold the rule of law and refused to embrace tyranny, [a]s every judge ought to do if they are to be true to their oath,” giit ni Pangilinan.

Para naman kay Sen. Franklin Drilon, bagamat tama ang ginawa ni Soriano ay may mas magagawa pa sana siya kung ginawa niyang ilegal o invalid ang Proclamation No. 572 ni Pangulong Duterte.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naiulat nga ng KAMI na lumabas na ang hatol sa nais ng Department of Justice (DOJ) na maghain ng warrant of arrest at hold departure order laban kay Senador Trillanes na may kaugnayan sa kanyang coup d’etat na kaso. Hindi pinanigan ng Makati regional trial court Branch 148, sa panguguna ni Soriano, ang DOJ kaya naman nananatiling malaya si Trillanes.

Subalit, nakasaad din sa resolution na pagtitibayin pa rin daw ang Proclamation ni Pangulong Duterte.

Sa report ng KAMI noon ay nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Proclamation No. 572 kung saan nakasaad na invalid ang amnestiyang ibinigay ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kay Trillanes na may kaugnayan sa Oakwood mutiny at Manila Peninsula siege.

POPULAR: Read more news about Sen. Antonio Trillanes here!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel