Babaeng pinaslang, naisulat pa raw ang pangalan ng pumatay sa kanya gamit ang dugo

Babaeng pinaslang, naisulat pa raw ang pangalan ng pumatay sa kanya gamit ang dugo

- Napaslang ang 54 taong gulang na babae sa Villasis, Pangasinan na nagtamo ng 17 saksak

-Bago tuluyang mabawian ng buhay, nagawa pa raw nitong isulat ang pangalan ng di umano'y gumawa ng krimen sa kanya

- Pinaghahanap na ang suspek na pagnanakaw din ang isang anggulo ng krimen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natagpuang patay ang isang ginang sa Villasis, Pangasinan na nagtamo ng 17 saksak.

Mapapansing sa crime scene na may pangalan sa may ulunan ng biktima. Pinaniniwalaang naisulat pa ni Remedios ang pangalan ng suspek na kilala nila.

Gamit ang sarili niyang dugo, malinaw na naisulat ang pangalang "Keyung" na dating contractor ni Remedios. Minsan na daw itong nakaalitan ng biktima at nagawa nitong pagbantaan siya.

"Mabigat na ebidensiya na ito yung pagkakasulat ng kanyang pangalan eh. Nalaman natin na may alitan na pala itong dalawang ito at pinagbantaan pa nung suspek yung biktima," pahayag ni Police Chief Inspector Fernando Fernandez Jr. ng Villasis Police.

Nag-iisa lamang sa bahay si Remedios at pinaniniwalaang madaling araw isinagawa ang karumaldumal na krimen.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagtaka raw ang anak ng biktima na si Kevin Kyle Maer at maghapong di niya makontak ang ina kaya minabuti niyang utusan anag kakilala na pasukin na ang bahay at doon na kita ang bangkay ni Remedios.

Tinitingnan din ang anggulong pagnanakaw sa biktima dahil sa nawawalang dalawang bag at pera sa bahay nito.

Pinaghahanap na ngayon ng ang suspek na si "Keyung" at maging ang pamilya nito ay di rin matagpuan.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica