Darren Espanto, bumwelta sa "hacked tweet" ni Juan Karlos tungkol sa kanyang pagkatao

Darren Espanto, bumwelta sa "hacked tweet" ni Juan Karlos tungkol sa kanyang pagkatao

- Pinag-uusapan ngayon ang tila banggaan ng dalawang produkto ng The Voice Kids Philippines na sina Darren Espanto at Juan Karlos

- Ito ay dahil sa isang tweet na galing sa account ng huli, na pahayag pa niya ay isang "hacked tweet," diumano, ayon na rin sa ulat

- Subalit, mukhang hindi naniniwala si Darren tungkol rito at 'di na nakapagpigil pa at na-iscreenshot niya ang nasabing tweet at nagbigay ng bwelta bilang kanyang reaksyon

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bumanat nga ng tweet bilang bwelta si Darren Espanto sa diumano'y "hacked tweet" ni Juan Karlos tungkol sa kanyang pagkatao.

Naispatan ng KAMI ang trending na banat tweet ni Darren kay Juan Karlos at tila hindi nga natuwa ang una sa huli dahil sa naturang mensahe.

Ani pa sa diumano'y "hacked tweet:"

"@Espanto2001 gayness at its finest"

Ayon pa sa timestamp sa screenshot na nakuha ni Darren Espanto sa naturang "hacked tweet," naipost ito noong October 19, 2018 at 6:58am.

At tinweet naman ni Darren noong Monday, October 22, at may caption pa na:

"Timing ‘no? Dinelete ng “hacker” mo yung tweet na ‘to after kang kausapin ng management.Pag nahanap mo yung hacker mo puntahan niyo ako para malaman niyo kung sino yung totoong BAKLA. @KarlosLabajo"

Tila hindi nga nagustuhan ng batang singer ang nasabing tweet at binanatan rin niya ang isang Twitter user na nagcomment na patanong.

Ani ni Darren:

"May gender identity issues ka diba? Wag mo akong itulad sa'yo"

Dahil rito, bumuhos ang samu't saring reaksyon tungkol sa trending tweet na ito.

"grabe, pati bata pinapatulan nyo. never ever call a person ‘gay’ who never identified himself as a gay. ganun ka-simple."
"Leave Darren Espanto alone!!!"
"Anyri ky JK? Looking for attention? Hey @Espanto2001 maybe he need a friend... Bka my pinagdadaanan... At nanddmay nlng mg kung sino2x..."
"yas bro defend yourself!"
"may pinagsamahan naman kayong dalawa diba? Bigyan nyo both side ng chance na magsalita, in personal yan huh."
"kung sino man ang nagkamali sa inyo say sorry.Di kabawasan sa pagkatao nyo ang mag sorry at magpatawad."
"Nashock ako sa tweet ni Darren!!!"

Una naming naispatan nag trending balita na ito sa Facebook page ng Rappler.

Matatandaan na kapwa finalists ang dalawang 17-year-old na mga singers na ito, na sina Darren Espanto at Juan Karlos sa The Voice Kids Philippines season 1.

Si Darren ang runner-up at 3rd place naman si Juan Karlos.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Taong lumot" sa ilalim ng tulay, nanggagambala umano sa mga tao roon

"Taong lumot" sa ilalim ng tulay, nanggagambala umano sa mga tao roon

"Taong lumot" sa ilalim ng tulay, nanggagambala umano sa mga tao roon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel