Jake Zyrus, isiniwalat ang personal na buhay at relasyon ng ina sa tell-all book

Jake Zyrus, isiniwalat ang personal na buhay at relasyon ng ina sa tell-all book

- Usap-usapan ngayon ang international singing sensation na si Jake Zyrus dahil sa tell-all book niya na I Am Jake, na kamakailan lang ay ni-launch

- Ani pa sa ulat, wala raw itinagong kwento tulad ng pagtawag niya diumano sa ina na "evil queen," at dito nagbigay siya ng paliwanag tungkol rito

- Pag-amin niya sa interview "may bad situations" daw talaga na na-icocompare daw ang naturang sitwasyon na 'yon sa fairy-tale noong mga panahon na 'yon umano

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang balita tungkol sa isyu umano ng pagtawag ni Jake Zyrus sa kanyang ina na diumano'y "evil queen" sa kakalaunch na tell-all book niya na pinamagatang I Am Jake.

Ani pa ni Jake sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News:

"May bad situations talaga, so that certain situation, parang na-compare 'yong situation na 'yon sa fairy-tale noong time na 'yon. It's not na tinatawag siyang evil queen as a whole."

Dugtong pa niya:

"It's not like that. Parang hindi siya 'yong literal."

Ayon pa sa balita, dati na raw nag-react ang ina niya na si Raquel Pempengco sa laman ng kanyang tell-all book na I Am Jake, na napublish raw online.

Nang maitanong tungkol sa relasyon niya sa ina, napa-amin si Jake na napalayo na raw ang loob niya sa kanyang ina.

At hindi na rin niya umano nabisita ang kanyang pamilya at kaanak dahil alam niya raw na makakarining lamang siya ng mga masasakit na salita, diumano.

Ani pa niya:

"I know that if I go there, they'd just hurt me emotionally and tell me things na I don't wanna hear anymore."

Sa tanong naman, kung nami-miss ba raw niya ang kanyang pamilya at mga kaanak, ang tugon naman niya ay:

"For how many years, I would've answered you 'yes,' but I don't wanna lie... I don't miss the relationship kasi hindi talaga okay 'yong relationship."

Umani naman ng maraming batikos ang singer dahil sa tell-all book niya, ayon na rin sa reaksyon ng trending balita sa Facebook page ng TV Patrol.

Nag-umpisa umano ang hidwaan ng mag-ina na sina Raquel Pempengco at Jake Zyrus, nang nagdesisyon raw ang huli na ireveal ang kanyang totoong sarili sa publiko.

Ibinahagi namin kamakailan lang ang reaksyon ni Raquel tungkol sa librong I Am Jake.

POPULAR: Read more news about Jake Zyrus here

NagOn another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel