Lani at Rachel Lobangco, at ang kanilang buhay ngayon

Lani at Rachel Lobangco, at ang kanilang buhay ngayon

- Dalawa sa magaganda at pinakasikat na mga seksi stars noong late 80s to 90s ay ang magkapatid na Lani at Rachel Lobangco

- Unang lumabas at nakilala ang aktres na si Rachel sa pelikulang Kokak noong 1989, na ginawan ng TV adaptation ng Kapuso na pinagbidahan ni Sarah Lahbati

- Ngayon, ang magkapatid na Lobangco ay masaya na sa kani-kanilang pribadong buhay pero ang gwapong anak ni Lani ay isa ngayong Kapuso aktor

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted ng KAMI ang buhay ngayon ng magkapatid na Lani at Rachel Lobangco, ang dalawa sa mga paboritong leading ladies ng mga action stars noong 90s.

Nakilala at sumikat ng husto si Rachel Lobangco noong late 80s hanggang 90s bilang isang aktres sa mga seksi films at leading lady ng mga action films.

Pero ang pelikula na nagbigay sa kanyan ng pangalan at marka sa showbiz ay ang Kokak noong 1989.

At ito ang nagdala sa kanya sa kasikatan.

Ang kanyang kapatid na si Lani Lobangco ay bumida rin umano sa pelikulang Raiders of the Sun at ang pelikula ni Robin Padilla na Barumbado noong 1990.

Ngayon, masaya na sa buhay pamilya si Lani Lobangco-Santos, at ang gwapong anak niya na lalaki ay makikita sa GMA-7 bilang isa sa mga Kapuso artists ng naturang istasyon.

Siya ang 22-year-old na si Bruno Gabriel na nakilala sa Hahamakin Ang Lahat ng GMA television series na pinagbidahan nina Joyce Ching and Kristoffer Martin, ayon na rin sa ulat ng GMA News Online.

Si Rachel Lobangco naman ay ngayon kilala bilang Boracay Fire Queen, ayon na rin sa kanyang Instagram profile, na una naming napag-laman sa News Feed.

May napakagandang dilag na anak na ni Rachel at ito ay si Leona na kaka 19th birthday lang ngayong taon.

Kung si Lani ay tila focus na focus na sa pribadong buhay ng kanyang pamilya.

Si Rachel naman ay pinanatili ang kanyang pagiging "Sssh-boom Sssh-boom" model sa hit TV commercial ng San Miguel Beer na kinanta pa ng Apo Hiking Society.

Ayon na rin sa kanyang social media accounts, aktibo pa rin ang karera na ginagawa ngayon ni Rachel Lobangco.

Isa syang multiprop fire dancer, led dancer, model, photographer, paddler, at boxer, ani na rin sa kanyang IG profile.

Bukod pa rito, si Rachel Lobangco ay ang Vice President rin sa skin care center ng kanyang mommy na may pangalan na Elvie Pineda Skin Care.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel