Lalaking naka-burol, masayang 'nagpakita' raw sa FB live ng kanya mismong lamay

Lalaking naka-burol, masayang 'nagpakita' raw sa FB live ng kanya mismong lamay

- Nagpakita raw ang lalaking nakaburol sa isang FB live ng kaibigan sa mismong lamay para sa kanya

- Mayroon daw posibilidad na ito ay ang kaatid ng namayapa ngunit maski ang kapatid ay ginigiit na di raw niya mukha ang nahagip ng video

- Naniniwala ang misis ng namatay na si Ruel Sumaguingsing na ito ay senyales ng mister na masaya na ito sa kabilang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpakita raw sa FB live si Ruel Sumaguingsing, ang lalaking pinaglalamayan ng mga kaibigan at kamag-anak sa video.

Ayon kay Allan Seno, kaklase ni Ruel noong high school, naisipan daw niyang mag-FB live sa burol ni Ruel para makita raw ng mga wala roon ang mga kaganapan.

Sa una, di raw nila napansin ang pagpapakita ni Ruel sa video, kung hindi pa nagkomento ang mga kamag-anak nitong siyang nakapansin.

Dalawang beses pa raw pinanood ni Allan ang video bago pa niya napansin na may kakaiba rito.

Samantala, malaki naman daw ang posibilidad na ito ay ang kapatid ni Ruel na si Martin Sumaguingsing. Ngunit giit ni Martin, di raw niya mukha ito dahil sa flat o yupi ang mukha niya kumpara sa kapatid na bilugan. Isa pa, ang kamay na bahagyang tumakip sa bibig ng lalaki sa video ay malaman kumpara kay Martin na payat.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang kagandahan lamang sa kaganapan, si Ruel man ito o hindi, makikitang masaya at nakikipagtawanan ang imahe na kamukha ni Ruel..

Samantala, ang misis naman ni Ruel ay tila naniniwala dahil ito na raw ata ang senyales na hinihintay ng asawa ni Ruel.

Kwento ng misis ni Ruel humingi raw siya ng 'signs' kung masaya na ito sa kabilang buhay. Kaya naman ang fb live na ito, totoo man o hindi ay tinuring na ni Ellen na sagot sa hinihingi niyang senyales. Nangangahulugan lamang daw na wala nang dapat ipag-alala ang pamilya ni Ruel dahil masaya na siya kung saan man siya naroon.

Pinasuri ng Kapuso mo Jessica Soho sa isang eksperto sa video at ayon kay Emir Khan, ito ay si Martin , ang kapatid ni Ruel. Dahil sa mababa ang kalidad ng video, kay anaman nagkakaroon daw ng posibilidad na may kababalaghang naganap dito.

Ano pa man daw ang katotohanan sa likod ng videong ito, ang mahalaga ay di nila malilimot ang mahal nila sa buhay na nauna na.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI YOutube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Maricel Soriano's epic reaction to Angel Locsin and TGD's staff birthday surprise

Maricel Soriano's epic reaction to Angel Locsin and TGD's staff awesome birthday surprise

Maricel Soriano's epic reaction to Angel Locsin and TGD's staff birthday surprise
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel