May hinihinalang suspect ang pulisya sa masaker ng mga magsasaka sa Negros Occidental

May hinihinalang suspect ang pulisya sa masaker ng mga magsasaka sa Negros Occidental

- Umabot ng 9 ang nabawian ng buhay sa Hacienda Nene sa Negros Occidental noong Sabado

- Sabi ng pulisya ay posibleng may kinalaman sa hindi pagkakasundo sa lupain o rebelde ang insidenteng ito

- May plano rin daw si Pangulong Duterte bisitahin ang burol ng mga nasawi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May hinala na ang pulisya sa insidenteng nangyari sa Negros Occidental kung saan umabot ng 9 ang namatay sa Hacienda Nene.

Nalaman ng KAMI sa CNN Philippines na ayon sa pulisya ay posibleng dahil sa hindi pagkakasundo sa lupain o kaya naman rebelde ang mga suspect dito. Pero tinitignan pa rin ng mga pulis ang iba’t-ibang anggulo ng insidenteng ito.

May hinihinalang suspect ang pulisya sa masaker ng mga magsasaka sa Negros Occidental

Photo from CNN Philippines

Sabi rin ni Senior Superintendent Rodolfo Castil, provincial police director ng Negros Occidental, posibleng 40 armadong mga lalaki ang may pakana nito. Dagdag niya pa, magbibigay daw ang lokal na gobyerno ng reward na P250,000 sa makakapagturo sa mga suspek o kaya makakapagbigay impormasyon sa mga ito.

Ayon sa report ng Philippine Star, Sabado ng gabi ay may umatake sa hacienda sa Purok Firetree, Brgy. Bulanon, Sagay City sa Negros Occidental. Siyam (9) na miyembro ng National Federation of Sugar Workers (NFSW) ang nabaril. Dalawa nga rito ay menor de edad pa at tatlo naman ay kababaihan.

Ang mga napaslang daw ay diumano’y kasama sa bungkalan na nangaganap sa haciendang pangmamay-ari ni Atty. Barbara Tolentino. Para sa NFSW, ang pagbubungkal ay kanilang pamamaraan upang maihatid ang kanilang hinaing na agrarian reform at libreng pamimigay ng lupain sa mga magsasaka.

Para naman kay Neri Colmenares na dating representative ng Bayan Muna party-list, kailangan daw imbistigahang mabuti ang diumano’y masaker na nangyari at mabigyang hustisya ang mga nadamay dito.

Naiulat din ng CNN Philippines na ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, pupunta raw si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ng mga nasawi sa ingkwentrong ito sa darating na Martes.

Samantala, ilang universities din ang nagprotesta para sa hustisya ng mga magsasakang nasawi sa Negros Occidental. Ilan na nga rito ang University of the Philippines at University of Santo Tomas.

POPULAR: Read more news about President Duterte here!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Agot Isidro, umiinit raw ang ulo sa diumano'y mga excuses ni Imelda Marcos

Agot Isidro, umiinit raw ang ulo sa diumano'y mga excuses ni Imelda Marcos

Agot Isidro, umiinit raw ang ulo sa diumano'y mga excuses ni Imelda Marcos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel