Mag-iinang nagkunwaring na-kidnap, gusto lang makakuha ng pera sa amang Taiwanese

Mag-iinang nagkunwaring na-kidnap, gusto lang makakuha ng pera sa amang Taiwanese

- Arestado ang ina na kasabwat ang mga anak sa pagkukunwaring na-kidnap

- Nagawa lamang daw nila ito upang makakuha ng pera sa ama ng mga bata na isang Taiwanese

- Humihingi ng 10 milyong piso ang mag-iina na nahuli sa Malolos Bulacan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Arestado ang isang ina at kanyang dalawang anak na nagkunwaring dinakip ng kidnaper.

Inamin ng ina na kaya niya nagawang magkunwari ay para makahingi ng pera sa ama ng kanyang mga anak na isang Taiwanese.

Ayon sa ABS-CBN news, humingi ng tulong ang isa sa mga anak sa mga pulis dahil nakidnap umano ang kanyang kapatid at ina noong Setyembre.

Sa unang usapan, 10 milyong piso ang hinihinging ranson ng mag-ina at kalaunan ay naging 5 milyong piso na lamang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Muntik nang magkabayaran ng ranson ngunit nabisto ng pulisya na nakikituloy lamang sa isang kaibigan at di totoong nakidnap.

Natuntun ang kinaroroonan ng mag-ina na nasa Malolos Bulacan pala.

Ayon sa salaysay ng ina sa pulisya, nagawa lamang niya ito dahil tumigil na ang sustento ng ama ng mga batang nasa Taiwan.

Pinaghahandaan na ang kasong maaring kaharapin ng mag-iina.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI YOutube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’

Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’

Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel