Mga Pinoy, natuwa at na-inspire sa internet sensation na si Mader Sitang

Mga Pinoy, natuwa at na-inspire sa internet sensation na si Mader Sitang

- Sikat na sikat sa mga Pilipino ang internet sensation na si Mader Sitang Buathong

- Malapit sa puso ng mga Pinoy si Mader Sitang na malaki pala ang naitulong sa mga Pilipino

- Tatlong araw din namalagi sa bansa si Mader Sitang na di pa rin nawala ang pagtulong sa mga Pinoy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Biyernes, Oktubre 19 nang dumating sa bansa ang internet sensation na si Mader Sitang Buathong. Pagdating pa lang sa bansa, pinaramdam na ng mga Pinoy ang mainit na pagtanggap nila sa 56 anyos na tubong Thailand.

Ayon sa ABS-CBN, Umabot na sa edad niyang 40 bago siya tuluyang naging transgender woman dahil na rin sa dati siyang human rights lawyer.

Ito rin marahil ang dahilan kumbakit likas na sa kanya ang pagiging matulungin na maging tayong mga Pilipino ay natutulungan niya makailang beses na.

Katunayan, sa pamamalagi niya rito sa bansa, naiulat na ng KAMI na napaluha pa siya habang namimigay ng pamasko sa maaga niyang Christmas party sa Quezon City. Marahil, dama ni Mader Sitang ang galak ng ma bata sa mga binibigay niyang tulong sa paraang makakaya niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngayon, sa edad na 56, isa nang fashion designer si Mader Sitang. Masaya na rin siya sa piling ng kanyang asawa na 13 taon na niyang kapiling.

Sa panayam niya kay Korina, nabanggit niyang mag-aaral daw siyang mag-tagalog para sa kanyang mga Filipino followers.

Umabot na kasi sa 16 million views ang kanyang mga videos na nagkaroon na rin ng ilang mga parody.

Maari ng sa iba ay naging katatawanan ang mga binabahaging video ni Mader Sitang, pero para sa mga Pinoy, ang kanyang pagkatao ay isang inspirasyon at isang magandang ehemplo nang pagmamalasakit sa kapwa tao.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI YOutube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Man who chose new lover over his family earns online backlash

Man who chose new lover over his family earns online backlash

Man who chose new lover over his family earns online backlash
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel