Lalaking "nanay" at babaeng "tatay", kinasal na matapos ang 20 taon na pagsasama
- 20 taon nang nagsasama sina Jenel Basco at Fe dela Torre na bakla at tomboy
- Apat na ang kanilang anak at dahil sa dami ng gastusin araw-araw, di na sila nakapagpakasal
- Matapos ang dalawang dekada, saka lamang sila kinasal sa tulong ng isang programa sa telebisyon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kakaiba talaga ang love story nina Jenel Basco at Fe dela Torre na pawang mga miyembro ng LGBTQ.
Nagkakilala ang dalawa sa parlor kung saan sila'y parehong nagtatrabaho. Aminado ang dalawa na di nila inaasahan ang mga pangyayari lalo pa at bakla si Jenel at tomboy naman si Fe.
Lagi rin daw silang magkakasama noon kahit sa paglabas nila matapos ang trabaho. Doon naging close sina Jenel at Fe at nilinaw nilang walang ligawang nangyari.
Gaya ng karamihang relasyon, lalaki ang nagpakita ng motibo. At dahil si Fe ang "lalaki" sa kanilang relasyon, siya ang unang nagparamdam kay Jenel.
Di nila inaasahang magbubunga ang nangyari sa kanila, isang madaling araw na tila ba'y pinaglapit na sila ng tadhana.
Nang sabihin ito ni Fe kay Jenel, ilang buwan pa raw itong nagtago bago tuluyang matanggap na nabuntis nga niya si Fe.
Naisip din kasi ni Jenel kung paano niya bubuhayin ang mag-ina, ngunit dahil sa ayaw niya ring lumaki ang bata na walang magulang, doon na nagsimula ang pagsasama nila ni Fe.
Ayon pa kay Jenel, pagod na rin daw siya sa pag-gala gala noon at uuwing walang pera at di siya masaya. Parang may kulang daw noon sa buhay niya at si Fe at ang kanilang anak pala ang bubuo sa kanila.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Dumaan ang dlawang dekada at apat na ang kanilang anak, wala na silang mahihiling pa kundi ang mabasbasan ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng sakramento ng kasal.
Kaya naman, minabuti ng programang Rated K na pagbigyan ang kahilingan ng pamilya nina Jenel at Fe.
Suot ni Fe ang wedding gown at suit naman ang kanya Jenel kahit pa alam ng marami ang kanilang "gender preference" walang pagsidlan ng kaligayahan ang dalawa lalo na ang kanilang mga anak na tanggap na kung ano pa sila.
At dahil namumutawi pa rin ang pagmamahal nila sa isa't isa, inaasahan nilang sila pa rin ang magkasama maging sa kanilang pagtanda.
Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.
Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh