Birthday boy, binaril ng kapitbahay na naingayan sa party

Birthday boy, binaril ng kapitbahay na naingayan sa party

- Dahil lamang daw sa ingay ng videoke, nauwi sa barilan ang birthday party ng isang lalaki

- Tinamaan sa saliri sa kamay ang may birthday at ooperahan ito

- May sakit daw ang asawa ng namaril kaya nakiusap itong hinaan ang tugtugan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila minalas ang kaarawan ng isang lalaki na si Greg Fuentes nang mabaril umano ito ng kapitbahay na sa una'y nakiusap na hinaan ang videoke.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN news, nakiusap ang may kaarawan na kung maari ay hanggang alas otso sila ng gabi mag-videoke at may permit naman daw sila sa barangay.

Ngunit, nauwi pa rin ito sa sagutan hanggang sa makarinig na lamang ang mga kaanak ng biktima ng ilang putok ng baril.

"Biglang ayun nga may putok na kaming nadinig, ang dami... sunod-sunod. Siyempre natakot kami kung ano nga 'yung nangyayari sa labas, nalaman namin na 'yung tito ko 'yung pinagbabaril,"salaysay ng pamangkin ni Greg.

Nakilala ang kapitbahay na si Bandong at kaya lamang daw siya nakiusap na hinaan ang tugtugan ng videoke ay dahil may sakit ang kanyang asawa na nagpapahinga.

"Ang pinag-ugatan ng lahat 'yung pagbi-videoke nila sa labas, 'yung pag-iinuman sa labas ng kalsada. Ngayon may sakit 'yung misis ko, makiusap sana ko na pahinaan 'yung sounds, eh minasama nila," pahayag ni bandong sa GMA news.

Nalaman ng KAMI na ginigiit ni Bandong na naunang magpaputok ang kampo nina Greg.

"May tama pinto ko," ani Bandong. "Sinasabi nila ako nauna? Hindi. Powerful sila doon. Chairman kapatid niya. Sino ba naman ako?" giit ni Bandong.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hawak na ng mga pulis si Bandong habang si Greg naman ay nakatandang operahan dahil sa tama ng bala nito sa kamay.

May posibilidad na magkaaregluhan na lamang daw ang dalawang kampo dahil na rin sa magkaharap ang kani-kanilang mga tahanan.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Man who chose new lover over his family earns online backlash

Another story of infidelity earns viral thrashing

Man who chose new lover over his family earns online backlash
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel