Malaya pa rin! Ibinasura ng Makati RTC ang nais ng DOJ na ipaaresto si Sen. Trillanes

Malaya pa rin! Ibinasura ng Makati RTC ang nais ng DOJ na ipaaresto si Sen. Trillanes

- Nag-issue na ng resolution ang Makati RTC Branch 148 sa motion ng DOJ na maghain ng arrest warrant at hold departure order kay Senator Antonio Trillanes

- Dinismiss naman ng Makati RTC ang motion na ito

- Subalit, mananatili raw ang pagiging valid o legal ng Proclamation No. 572 ni Pangulong Duterte

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lumabas na ang resulosyon ng Makati regional trial court (RTC) Branch 148 ukol sa motion na hinain ng Department of Justice upang magbigay sila ng warrant of arrest at hold departure order (HDO) laban kay Senador Antonio Trillanes IV na may kaugnayan sa kasong kudeta o Oakwood mutiny.

Nalaman ng KAMI sa tweet ng Philippine Star na dismissed na nga ang petition ng DOJ laban kay Sen. Trillanes. Ayon naman kay presiding Judge Andres Soriano, bagamat walang arrest warrant at HDO ay mananatiling invalid ang amnestiya ni Trillanes na nakasaad sa Proclamation No. 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon naman sa legal counsel ni Trillanes na si Atty. Rey Robles ay masaya si Sen. Trillanes dahil nanaig daw ang katotohanan na nag-file siya ng amnesty application.

“Masaya si Trillanes dahil lumabas din ang katotohanan na hindi totoo ang sinasabi sa kaniya na hindi siya nag-file ng amnesty application, at hindi na dapat buksan ang kaso; the Court did not allow the reopening of the case,” sabi ni Robles ayon sa report ng ANC.

Naiulat naman ng KAMI noon na ang Makati RTC Branch 150 naman ay nag-release ng warrant of arrest at HDO kay Trillanes dahil sa kanyang kasong rebelyon. Nagpiyansa rin naman agad si Trillanes noon ng P200,000.

Noong nakaraang buwan nga ay naibalita ng KAMI na pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Proclamation No. 572 kung saan nakasaad na invalid ang amnesty na ibinigay ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III kay Senador Trillanes.

POPULAR: Read more news about Sen. Trillanes here!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’

Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’

Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel