Koko Pimentel, posibleng ma-udlot ang kanyang pagtakbo muli sa Senado

Koko Pimentel, posibleng ma-udlot ang kanyang pagtakbo muli sa Senado

- May sinampang disqualification case laban kay Sen. Koko Pimentel si Atty. Ferdinand Topacio

- Giit ni Topacio, lagpas na raw sa termino si Pimentel

- Dagdag niya pa na kung ibasura ng Comelec ang kaso ay iaakyat niya ito sa Korte Suprema

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Senador Aquilino “Koko” Pimentel III, may kinakaharap na kaso upang ma-disqualify siya sa kanyang Senate bid para sa darating na eleksyon sa 2019.

Nalaman ng KAMI na nagsampa ng disqualification case si Atty. Ferdinand Topacio laban kay Pimentel dahil sobra na raw sa termino ang senador. Ang termino ng mga senador ay hanggang six years at pinapayagan silang tumakbo ng dalawang magkasunod na term.

Noong 2007, si Senador Juan Miguel Zubiri ang pang-12 na hinirang na senador kaya natalo niya si Pimentel. Tumutol si Pimentel dito at nag-request siya ng recount sapagkat may dayaan daw na nangyari sa ibang munisipalidad. 2011 noong natapos ang kaso at si Pimentel ang inanunsyo na nanalo kaya pinalitan niya si Zubiri.

“Noong sinabi ng electoral tribunal na annulled ang proclamation ni Zubiri, ibig sabihin retroactive 'yun. Ang talagang nahalal for that term is si Sen. Pimentel at hindi si Sen. Zubiri," sabi ni Topacio base sa report ng ABS-CBN News.

“It did not matter whether or not he was able to serve all of the 6 years," dagdag pa niya.

Giit naman ni Topacio na kaibigan niya si Pimentel. In fact, ninong pa nga si Pimentel ng panganay ni Topacio. Para sa lawyer ay ginagagawa niya lang ang nakasaad sa batas. Kapag hindi raw itutuloy ng Comission on Elections (Comelec) ang kaso ay dadalhin niya ito sa Korte Suprema.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naiulat nga ng KAMI na si Pimentel ang pinaka-unang senatorial aspirant na nag-file ng kanyang certificate of candidacy sa Comelec noong October 11.

Kamakailan lang din ay nabalita ng KAMI ang bonggang kasal ni Pimentel sa chef na si Kathryna Yu. Tampok naman ng iba’t-ibang public figures at bigating principal sponsors ng kasal nila at makikita nga roon sina President Rodrigo Duterte, Senate President Tito Sotto, at Senator Manny Pacquiao.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel