Netizens, nag-react sa nalalapit na speech ni Manny Pacquiao sa Oxford

Netizens, nag-react sa nalalapit na speech ni Manny Pacquiao sa Oxford

- Naimbatahan ng Oxford Union ang People’s Champ, Manny Pacquiao, upang magbigay ng speech

- Posible rin daw na i-anunsyo ni Pacquiao ang nalalapit niyang laban sa boxing sa January

- May kanya-kanyang comments naman ang mga netizens sa speech ni Pacquiao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

People’s Champ at World Boxing Association (WBA) welterweight champion, Senator Manny “Pacman” Pacquiao, pinaunlakan ang invitation ng Oxford Union, ang prestihiyosong debate society ng Oxford University, na magbigay ng talumpati sa Nobyembre.

Nalaman ng KAMI sa Philippine Star na ang invitation daw ay mula sa secretary ng Oxford Union na si Tom Brown. Malaki rin daw ang posibilidad na i-anunsyo na ni Pacquiao ang usap-usapang laban niya laban kay Adrien Broner sa January.

“He’s staying in shape, playing basketball and running. Sen. Manny will be fine entering camp. After he speaks in Oxford, he’ll do the press tour then open camp. Training period will be a little over two months,” sabi raw ng source ng Philippine Star.

Netizens, nag-react sa nalalapit na speech ni Manny Pacquiao sa Oxford

Photo from Gospel Herald
Source: Facebook

Para naman kay Stephen Horvath, ang president ng Oxford Union, ipapamalas ni Pacquiao ang isang “fine tradition” ng society na ipinapakita ang mga leaders mula sa iba’t-ibang parte ng mundo. Nais nilang ipamalas ang galing ni Pacquiao para pagsabayin ang boxing, politics, at pagiging basketball coach.

“Your strategic brilliance and your remarkable speed make you a truly legendary fighter. We would be delighted to hear more about how you stood above the characteristic trash-talking of big fights to stay focused on winning,” sabi ni Hovrath.

“You have applied this determination and endurance to your political career as well, overcoming an initial setback in your first election to become a widely-popular and respected Senator,” dagdag niya pa.

Nabanggit din ni Hovrath na nais din nila marinig ang pananaw ni Pacquiao sa mainit na ‘war on drugs’ campaign ng Duterte administration.

“At a time where there is such international interest in the politics of the Philippines, our members would be intrigued to hear more about your views on President Duterte and the war on drugs,” giit ni Hovrath.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

May iba’t-iba namang naging opinion ang mga netizens dito. Narito ang iba komento nila sa Facebook page ng Philippine Star:

“Daming bitter ah? Hahaha. Di nyo matanggap na sa buong buhay nyo kahit sa kapilya di kayo naimbitahang mag speech no? Hahaha go manny!”
“Ok lang yan. Dami kaya gumagawa ng speeches sa recto. Igapang na lang ni packy ang pagbasa. Para bagang karaoke lang”
“At Oxford? The people there must be joking, or they don't know him in the first place!”
“KAKATATAWA, BAKA SABIHIN LAHAT NG PILIPINO AY KAGAYA NIYA. NAKAKAHIYA.”
“hindi naman ikahiya kung tagalog ang gagamitin niyang lenguahe. kumuha na lang siya ng interpreter! alam naman ng tao na hindi siya nag graduate sa formal na educational system.”
“INGGIT N NMAN ANG MGA MAGAGALING MAG ENGLISH NIYAN LALO NA YONG MGA FEELING MATATALINO”

Kilala nga si Pacquiao bilang champion sa larangan ng boxing. Taong 2007 ng pinasok ni Pacquiao ang pulitika. 2016 naman noong naging senator na siya. Noong 2014 naman ay naging playing coach din siya ng basketball team na Kia Motors na Kia Picanto.

POPULAR: Read more news about Manny Pacquiao here!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
High school sweethearts, nagpakasal matapos ang 57-taon na paghihiwalay

Ex-lovers, nagkita muli at agad nagpakasal pagkatapos ng 57 taon

High school sweethearts, nagpakasal matapos ang 57-taon na paghihiwalay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel