Pak na pak! Michele Gumabao, umariba sa Miss Globe at may special awards pa

Pak na pak! Michele Gumabao, umariba sa Miss Globe at may special awards pa

- Michele Gumabao, nag-uwi ng dalawang special awards mula sa Miss Globe

- Nakapasok din siya sa Top 15 ng beauty pageant

- Subalit, hindi naman siya pinalad na maiuwi ang corona

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi man naiuwi ang korona ay tiyak na panalo pa rin para sa mga Pilipino ang volleyball player na si Michele Gumabao nang lumaban ito sa Miss Globe.

Nalaman ng KAMI sa ABS-CBN News na nakapasok sa Top 15 si Gumabao at nag-uwi rin siya ng dalawang special awards sa Miss Globe na ginanap sa Tirana, Albania.

Nakuha ni Gumabao ang Miss Social Media Award matapos makalikom ng 30.22% ng online votes. Naiuwi rin niya ang Dream Girl award.

Panoorin ang performance ni Gumabao rito:

Samantala, kitang-kita naman sa social media account ni Gumabao ang kanyang saya na mai-represent ang Pinas sa Miss Globe. Giit niya pa na marami raw siyang natutunan sa loob ng dalawang linggo at sasabak na siya muli sa volleyball.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naiulat nga rin ng KAMI noon na naging viral ang sarimanok-inspired na national costume ni Gumabao. Tuwang tuwa rin ang mga netizens sa costume niyang ito.

Si Yo Yizhou ng China ang nag-uwi ng korona. Naging first runner up naman si Montana Farrah Seaton ng Australia.

Si Gumabao ay isang kilalang manlalaro ng volleyball sa De La Salle University noon at player naman siya ng Creamline Cool Smashers. Sumali rin sa Pinoy Big Brother: All In si Gumabao noong 2014 ngunit na-evict din siya.

POPULAR: Read more news about Michele Gumabao here!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika

Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika

Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel