Grabe naman! Aga Muhlach, minaliit ng isang abogado, kasama sa industriya nag-react

Grabe naman! Aga Muhlach, minaliit ng isang abogado, kasama sa industriya nag-react

- Minaliit diumano ng isang abugado ang kakayahan ni Aga Muhlach

- Dahil dito, nag-react si Richard Reynoso na halatang napikon sa buong kaganapan

- Dinetalye ni Richard ang mga minamaliit nilang kakayahan bilang artista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilian ni Richard Reynoso ang mainis nang maliitin ng isang abugado ang kakayahan ni Aga Muhlach.

Nalaman ng KAMI na ang sinabi ng abugado ay kesyo artista lang daw si Aga at ito'y walang alam sa pulitika.

Dahil dito, nag-react si Richard at nag-post ng isang medyo may kahabaan na salaysay kung saan dinetalye niya ang mga bagay na ginagawa nila bilang artista.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang heading niya ay, "ARTISTA NGA LANG MARAHIL KAMI..."

"Kaya siguro kami at ang industryang ginagalawan namin ang nilalapitan tuwing may eleksyon para magkaroon ng taong makikinig sa mga pangakong kadalasan ay napapako ng mga pulitiko.
“Kami ang pinupuntahan para magbigay-kasiyahan sa mga nagdadalamhating biktima tuwing may malaking sakuna o kaya ay tuwing may fundraising concert para may dagdag-panggastos sa mga nangangailangan.
“Wala nga marahil kaming alam sa mga kaganapan sa ating bayan kahit na marami sa aming hanay ang tapos ng kolehiyo at may sariling negosyo.
“Pagpasensyahan na po... kung wala nga siguro kaming alam sa pulitika na malaki ang nagiging kontribusyon namin sa pagbabayad ng buwis taon-taon na siyang nagpapasweldo sa mga pulitiko.
“Marahil nga siguro, wala kaming alam dahil mga artista lamang kami kaya sa tuwing meron sa aming hanay na nagbabalak tumakbo tuwing eleksyon, nanginginig sa takot ang mga nakakatapat na pulitiko.
“ARTISTA LANG KAMI... kaya kami pinakikinggan ng marami sa tuwing meron kaming sasabihin dahil ramdam din namin ang hinaing ng maraming kababayan natin.”

Si Aga Muhlach ay isang Filipino actor at former matinee idol. Si Richard Reynoso naman ay singer at actor din. Kamakailan lang nabigay ng pahayag si Aga tungkol kay Sen. Trillanes na nagpa-react sa netizens. Ito'y naiulat din sa KAMI.

POPULAR: Read more about Aga Muhlach

Street Vox Pop - Asking women what kind of male boy they prefer? on Kami YouTube channel This video simply shows the surprising preference of women when it comes to the type of man that they prefer, or rather, want.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nicko Falcis’ brother faces media & accuses Kris Aquino of sending death threat

Nicko Falcis’ brother faces media & accuses Kris Aquino of sending death threat

Nicko Falcis’ brother faces media & accuses Kris Aquino of sending death threat
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel