Lakers-Rockets game, nauwi sa pisikalan at suspension

Lakers-Rockets game, nauwi sa pisikalan at suspension

- Nagka-initan sa 4th quarter ng Los Angeles Lakers at Houston Rockets game

- Nagsimula ito nang itulak ni Brandon Ingram ng Lakers si James Harden ng Rockets

- Pinatawan naman ng suspension sina Ingram, Chris Paul at Rajon Rondo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila normal na nga sa basketball na magkapisikalan sa laro. Noong October 20 (Sabado) nga ay nagkaharap sa NBA game ang Los Angeles Lakers at Houston Rockets.

Nalaman ng KAMI na habang 4th quarter ay nagkainitan ang laban sa court. Sa isang Youtube video ay makikitang naitulak ni Brandon Ingram ng Lakers si James Harden ng Rockets. Inawat sila ng kapwa nila players at dumating din sa loob ng court ang mga officials. Nang pinalayo si Ingram kay Harden ng kanyang teammates ay nauwi rin naman sa pisikalan sina Chris Paul ng Rockets at Rajon Rondo ng Lakers.

Makikita rin sa video na tinusok ni Paul ang mata ni Rondo kaya naman gumanti ng sapak si Rondo sa kanya. Nagtuloy-tuloy nga ang sapakan ng dalawa nang mabilis na bumalik si Ingram sa kanila at nakisapak na rin.

Inawat naman sila ng security at ibang teammates katulad na lang ni Lebron James. Sinusubukang pakalmahin ni James si Paul. Si Rondo naman ay agad na umalis papunta sa kanilang locker.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa website ng NBA ay pinatawan na nga ng suspension sina Ingram, Paul, at Rondo. Hindi makakalaro ng apat na games si Ingram, tatlong games naman para kay Rondo at dalawang games kay Paul. Sa huli ay nanalo ang Rockets na may score na 124-115.

Samantala, naiulat nga ng KAMI noon ang naging debut ni Lebron James sa Lakers nang official nagstart ang NBA regular season 2018-2019. Tila umuulan nga ng dunks noon pero nasawi pa rin ang Lakers dahil na talo sila ng Portland Trailblazers na may score na 128-119.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child

Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child

Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel