9 Yayamanin at sikat na mga celebrities na simple lang din sa likod ng camera

9 Yayamanin at sikat na mga celebrities na simple lang din sa likod ng camera

Sa kabil ng kanilang kasikatan at karangyaan sa buhay ngayon ay pinili pa rin nila ang mga simpleng pamumuhay sa likod ng camera.

Nakakabilib isipin na sa pagka-yayamanin nila ay wala pa rin silang kaartehan at ka sosyalan sa buhay, lalong lalo na kung kinakailangan sa sitwasyon.

Heto pa ang siyam (9) sa mga yayamanin at sikat na mga celebrities na simple lang din naman sa likod ng camera, na naispatan ng KAMI, kamakailan lang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Dr. Vicky Belo, Scarlet Snow Belo, and Dr. Hayden Kho

Makikita na nasa maliit lang sila na mesa kumakain imbis sa kanilang malaking dining table.

Kaya naman maraming mga fans ang talaga namang bumibilib sa Belo-Kho family dahil kahit gaano na kayaman ay pinapanatili pa rin nila ang simpleng pamumuhay sa loob ng kanilang tahanan at tinuturuan rin nila ang kanilang celebrity baby ng pagiging mabuting tao sa kapwa.

2. Gretchen Barretto

Yayamanin man si La Greta Gretchen Barretto ay kayang kaya pa rin niya ang maging cowboy, makihalobilo, at kumain na nakakamay lang na matagal ng kaugalian sa mga probinsya natin.

3. Richard Gomez

Tila nasanay na rin si Richard Gomez sa buhay probinsya rin at walang ka arte arte na namitas ng mangga sa kanilang puno.

4. Kim Domingo

Isa rin ang Bubble Gang star na si Kim Domingo na di mo aakalain dahil sa angking ganda at sosyalin ang dating ay mas nasasarapan na kumakain na nagkakamay.

5. Angel Locsin

Kilala rin ang multi-awarded action-drama actress na si Angel Locsin sa pagiging simple rin at hindi maarte sa kahit anong bagay gaya na lang ng lulubog sa isang cold spring water sa bukid.

6. Marlon Stockinger and Pia Wurtzbach

9 Yayamanin at sikat na mga celebrities na simple lang din sa likod ng camera

Credit: GMA News Online/Instagram/Marlon Stockinger

Wala ring kaarte-arte na nakipag boodle fight ang magsing-irog na sina Marlon Stockinger at Pia Wurtzbach kahit sila ay kilala bilang sikat at may dugong foreginer, hindi naman nag-atubili sila na magkamay at enjoy na enjoy naman talaga sila.

7. Liza Soberano

Sa kasikatan at dami ng mga followers ay isa sa nangunguna si Liza Soberano, na sa unang tinging ay tila sosyalin at yayamanin rin pero masaya na siya sa simpleng kainan.

8. John Lloyd Cruz

Kung kasimplehan lang naman ang pag-uusapan, hindi maiiwasan na mabanggit ang pangalang ni John Lloyd Cruz na sa kasalukuyan ay pinili ang simpleng pamumuhay kahit na yayamanin naman talaga ito.

Nagtrending nga ang pagsakay niya ng jeep.

9. Kris Aquino

Noong nagbakasyon raw sa Hawwi dati ang Queen of All Media Kris Aquino ay nagbakasyon rin daw ang kanyang mga kasambahay kaya raw siya ang naghugas ng kanilang mga pinagkainan.

At wala rin namang kaartehan si Kris na nagpapakita sa kanyang mukha na walang makeup lalo na't pag nagbabahagi ng kanyang lulutuin.

Kahit isang tunay na crazy rich Asian si Kris ay nanatili pa rin itong simple sa buhay.

Una naming naispatan ang listahang ito sa GMA News Online.

Kamakailan din ay ibinahagi namin ang unang pitong simpleng sikat na Filipino celebs.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika

Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika

Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel