Netizens, nagkagulo at nahati ang opinyon sa set of winners ng Magpasikat 2018

Netizens, nagkagulo at nahati ang opinyon sa set of winners ng Magpasikat 2018

- Inanunsyo na noong sabado ang mga nanalong teams sa Magpasikat 2018

- Ngunit tila hindi nagustuhan ng mga netizens ang mga tinawag na pangalan

- Kaya naman ipinahayag nila sa social media ang kanilang mga hinaing tungkol sa resulta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga netizens nang i-anunsyo na sa wakas ang mga nanalo sa week-long Magpasikat 2018 sa programang It’s Showtime.

Nalaman ng KAMI na limang teams ang naglaban-laban para sa kampeyonato ngunit tatlo lamang ang maswerteng nakapag uwi ng karangalan.

Una nang ginawaran ng 3rd place ang tandem ni Anne Curtis at Mariel Padilla na nagpamalas ng galing sa mga delikadong stunts at acrobatic routines.

Nasa ikalawang pwesto naman ang team ni Vice Ganda at Amy Perez na ginamit ang kanilang performance upang mag-inspire ng maraming tao na abutin ang kanilang pangarap.

Nakakuha naman ng pinakamataas na iskor ang grupo ni Jhong Hilario at Karylle matapos magsagawa ng isang musical play.

Hindi naman pinalad ang tandem ni Jugs at Teddy at maging ang paborito ng maraming netizens na team nila Vhong Navarro at Ryan Bang.

Dahil sa nangyaring anunsyo, tila hindi nagustuhan ng ilang social media users ang pagkakalaglag ng Team Ryan at Vhong sa consolation place.

Ang iba naman ay nagsabing tama lang ang naging desisyon ng mga hurado at karapat-dapat talaga ang mga nanalo.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

“Ito yung time na hindi deserve ni Vice Ganda yung second place. Mas deserve pa ni Vhong and Ryan. No. 1 trending pa!”

“Love ko nmn c Vice pero dis time hndi talaga maganda yung sa kanila... na bored ako.. ang maganda lng dun yung sa pabasa effect.. iba pa rin yung kila Vhong-Ryan...”

“Mas hindi deserve ni Anne ung top 3. Halos pare pareho pinapakita niya kung hindi maglambitin sa studio sa labas ng studio o hindi nman sa building ABS-CBN wla bagong sa concept.”

“I agree with the 1st placer and in whatever order deserve mag ka-place sina Ryan & Vhong, Anne & Marielle. I hope they give a people's choice award to Ryan & Vhong.”

“Halos lahat nalungkot, di pabor at na disappoint sa naging resulta ng Magpasikat ngayon specially sa Team Vhong-Ryan dahil deserve na deserve nilang mag place.”

“Bigla naman ako na-sad kasi di man lang naka-pasok ang Team Ryan at Vhong sa top 3. Sana kasama sa score average ang madlang votes. No. 1 kasi ang Team Ryan at Vhong. Look at the audience, di sila celebratory mode when the winner was announced.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito naman ang video ng naging announcement:

Sa nakaraang report ng KAMI, iniulat ang mga detalye ng nanalo sa Magpasikat 2018 pati na rin ang mga premyong kanilang napanalunan.

Ang Magpasikat ay isang taunang segment na kadalasang ginagawa sa tuwing anniversary ng It’s Showtime. Sa buong history ng nasabing segment, ang tandem ni Jugs at Teddy ang may pinaka-maraming panalo na umabot na sa lima.

POPULAR: Read more news about It’s Showtime hosts!

Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people to death! (Laughs evilly) – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika

Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika

Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel