Regine Velasquez, ibinulgar na nahirapan daw noong mga nakaraang taon

Regine Velasquez, ibinulgar na nahirapan daw noong mga nakaraang taon

- Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang paglipat ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez sa Kapamilya network

- Inamin umano ng singer-actress-host na nakaranas raw siya ng limitasyon sa kanyang karera, ayon pa sa balita

- Kaya raw ginawa niya ang malaking switch mula sa GMA-7, na naging tahanan na niya ng dalawang dekada, hanggang sa ABS-CBN

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted ng KAMI ang balita tungkol sa isang bagay na isiniwalat diumano ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez tungkol sa isang malaking dahilan raw kung bakit siya lumipat ng istasyon.

Ayon pa sa ulat ng PEP, inamin umano ni Regine na nakaranas raw siya ng limitasyon sa kanyang karera kaya daw ginawa niya ang big switch from GMA-7 to ABS-CBN.

Paliwanag pa raw ng Asia's Songbird:

"The main reason really is, first of all, I just wanna say that 20 years po ako sa GMA and I am very thankful to them. I am very grateful to them dahil po sa kanila, napatagal po ang aking career, nabigyan ako ng pagkakataon na mag-host, mag-serye, at marami pang iba."

Pero ani pa raw ng dating Kapuso star na hindi naman raw siya nag network transfer.

Bumalik lang naman daw siya sa orihinal niyang home network.

Gayunpaman, malaki pa rin ang kanyang pasasalamat sa GMA.

Pagbulgar pa ni Regine Velasquez:

"Especially the last few years, medyo nahihirapan na ako mag-collaborate. Yung mga collaboration namin, hindi naman napapalabas sa TV. It was getting harder and harder."

Nagpangalan naman si Regine sa mga aktor na gusto niyang makasama gaya nina Robin Padilla, Gary Valenciano, Martin Nievera, Daniel Padilla, at Aga Muhlach.

Gusto raw naman niya na makatrabaho ang iba pang mga artista.

Isiniwalat ni Regine na ang una niyang television shows ay sa ABS-CBN noong 90s.

Makikita si Regine Velasquez sa ASAP, isang sitcom, kasama ang kanyang mister na si Ogie Alcasid, at magiging judge rin siya sa Idol Philippines.

Una ng nagbigay ng tila pamamaalam o tribute ang GMA News Online sa pamamagitan ng pagbahagi ng 13 Kapuso shows sa karera ni Regine Velasquez sa GMA-7.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika

Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika

Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel