Netizens, naluha sa kwento ng larawan ng amang driver na painakakain ang anak

Netizens, naluha sa kwento ng larawan ng amang driver na painakakain ang anak

- Nag-viral ang napakasimpleng larawan na binahagi ng netizen na si Annalexis Abdulla Dabbang

- Madalas daw kasing bida ang mga ina sa pag-aalaga sa ina ngunit ito raw ang pruweba ng pagmamahal at aruga ng isang ama

- Naantig ang mga netizens s larawan at ang iba pa ng ay naalala ang kanila mismong mga ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging agaw eksena sa socmed ang larawan na binahagi ng netizen na si Annalexis Abdulla Dabbang.

Sa totoo lang daw, nagdadalawang isip ito kung iababahagi niya ito at matagal din niyang pinagmamasdan lamang ito sa kanyang gallery ng cellphone.

Ayon kay Annalexis, madalas daw kasing mga nanay ay napupuri natin sa pag-aalaga at pag-aaruga sa mga anak.

Ngunit ang larawan daw na kanyang binahagi ang isang patunay na wagas din ang pagmamahal ng isang ama.

Makikita sa larawan na sinusubuan at pinakakain ng amang driver ang kanyang anak ng spaghetti. Ginagawa daw ito ng ama habang nagpupuno siya ng jeep. Di manlang daw talaga sumubo maski isa ang ama at talagang para sa anak lang ang kinakain nito.

Di rin daw nagpaupo pa sa unahan ang ama para maayos na makaupo ang kanyang anak.

Ayon pa kay Annalexis taga Zamboanga City daw ang driver na nilarawan niya bilang buhay na patunay ng sakripisyo ng ama sa kanyang anak.

Samantala, maging ang mga netizens ay naantig at ang iba pa nga ay naluha raw sa larawan na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang kanilang mga komento:

"yan ang the best na tatay"
"waaahh..nakakatouch!"
"kahanganga ang ganitong tatay sana msraming ganitong tatay sa mundo"
"Yeah it's true.. touch talaga ako"
"Teary eyes while seeing that pics"

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’

Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’

Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel