Magulang, pinagtanggol ang guro sa viral video na nanakit at nagmura sa mga boy scouts

Magulang, pinagtanggol ang guro sa viral video na nanakit at nagmura sa mga boy scouts

- Dinipensahan ng netizen na si Runnel Gabaon Toquero ang guro na nasa viral video kamakailan na nahuli sa video ang pananakit at pagmumura raw asa mga boy scouts

- Pinaliwanag ni Runnel na di dapat hinushagahan agad ang guro sa viral video sa ginawa niyang pagdidisiplina sa mga boy scouts

- Binigyan linaw din ni Runnel na di niya sinasabing tama ang ginawa ng guro, mainam na raw na alamin muna ang buong kwento bago tayo magbigay agad ng di magandang reaksyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan ay nag-viral ang video ng isang guro na nahuling nanakit at nagmura daw sa mga boys scouts na nasa camping.

Nanggagalaiti sa galit ang guro sa pagsesermon sa mga bata at nabanggit pa nito na di siya natatakot sa magiging reaksyon ng mga magulang ng mga ito.

Nauna nang naibalita ng KAMI na nakarating na sa pamunuan ng DepEd ang naturang video at bibigyang aksyon na raw ang ginawa na ito ng guro na para sa kanila ay di tama.

Samantala, isang netizen ang naglabas ng kanyang saloobin patungkol sa kontrobersiyang ito sa pamamagitan ng isang mahabang post.

Nagawang depensahan ng netizen na si Runnel Gabaon Toquero ang guro sa viral video na sa tingin niya ay di dapat husgahan.

Tagalog at Ilocano raw ang salita ng guro sa video kay naman maaring di ito naunawaan ng ilang nakapanood.

Pinaliwanag ni Runnel na kaya raw nagagalit ang guro sa video ay dahil sa kapabayaan at katamaran daw ng boy scouts na di naisagawa ang mga dapat gawin habang ang ibang grupo ay tapos na.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Lumabas daw kasi ang guro upang mamalengke ng kanilang kakainin at pagbalik niya, iyon pa ang kanyang nadatnan.

Mayroon ding apat namagulang na kasama ng guro at mga boy scouts sa kanilang gawain doon. At ang mga magulang na ito ang siyang nagsumbong sa guro na ang mga boy scouts pa na ito ang mga pasaway.

Nasa ikaanim na baitang na raw ang mga batang lalaki sa video at masakit lamang daw isipin na sa kabila ng pagiging isang boy scout ay kinakitaan sia ng guro ng pagiging iresponsable.

Pinaliwanag ng guro ang mga maling ginawa ng mga boy scouts at kasama na rito ang di manlang pag-igib ng tubig bilang tulong na rin sa mga magulang na sumama roon at todo suporta.

Sabi pa ng mga guro na tila ba ay masyadong spoiled ang mga batang ito ngunit pinaalala niya ang rason kung bakit sila nasa campong at ito ay para matuto nga silang maging responsable.

Maging si Runnel ay isa rin daw magulang at para sa kanya, basta walang sugat o latay ang anak niya mula sa pagdidisiplina ng guro, siya pa raw mismo ang magpapaliwanag bakit ito nagawa ng teacher.

At sana raw, kung anuman ang naging prblema ng guro sa mga bata at maging sa mga magulang, sana raw ay sila na muna ang nag-usap usap ukol dito.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’

Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’

Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel