Babae na nagpropose sa bf na sekyu, umani ng batikos sa mga netizens

Babae na nagpropose sa bf na sekyu, umani ng batikos sa mga netizens

- Viral ngayon ang kakaibang marriage proposal kung saan babae ang nag-abot ng singsing sa lalaki upang ibigay sa kanya

- Naganap pa ang kakaibang proposal na ito sa mall kaya naman marami-rami ang nakasaksi

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang viral video at karamihan ay nagulat sa ginawa na ito ng babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gaw weksena ang video na binahagi ng netizen na si Dexter Ryan Coro Suarez kung saan nakuna niya ang naiibang marriage proposal sa isang mall.

Sa video makikita ang hila-hila ng isang babae ang security guard ng isang mall. Iyon pala naghihintay ang kayang kasintahan sa may stage at may mga kasama ito.

Niyapos agad ng sekyu ang nobya, at maya maya pa lumuhod ang girlfriend sa harap ng nobyo. Inabot niya ang singsing sa lalaki at ang lalaki naman ang lumuhod para isuot ang singsing.

"Love in its simplest form.." daw ayon kay Dexter na siyang nilagay niyang caption sa post.

Habang ang ilan ay kinilig sa naiibang proposal na ito, ang ilan naman ay binatikos pa ang babae na siya ang naunang magpropose sa lalaki dahil taliwas daw ito sa nakaugalian nating mga Pilipino.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Grabe! Grabe! Uso na Pla ngaun ung ganyan babae na lumolohod maka propose lng. Yati oi ang saklap bwisit hindi ko tlga ggawin niyan, eww?"
"wla naman masama sa ginawa ni ate gurl pero sana ma maintain pa din natin si Maria clara. ... hehhhe"
"PA sweet sweet PA kayo ngaun, huh babae PA tlga nag propose, bukas makalawa magsma n sa isang bubung liparan na mga kaldero Plato kutsara, termos, Laht ng ng mura ilalabas na."
"Yay' bat si ate girl unq nqpropose mas maqnda po cguro kung si kuya guy ung naq effort nq ganyan .."
"hala.. parang nakakababa ng pagkababae"

Samantala, may ilan pa rin naman na nagtanggol sa babae at walang nakikita sa ginawa niya.

"k lang naman qng si ate pagpropose. mahal naman sha ni kuya e. ang masama qng d naman gusto ng guy"
"Nega lahat... Just be happy for them nalang. Or bitter lang ung iba"
"Yung mga madaming reklamong babae jan na nakakababa o nakakahiya ginawa nung babae kataas naman masyado ng tingin niyo sa sarili niyo. gusto niyo gender equality pero gusto niyo pabor lahat sa inyo? wow ha"
"sabi nga nila kung mahal mo ipag laban mo... kay si ate girl na ang nag todo efort "

Kuha ang video sa SM Tagum at umabot na ito sa 880k views.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Nicko Falcis’ brother faces media & accuses Kris Aquino of sending death threat

Nicko Falcis’ brother faces media & accuses Kris Aquino of sending death threat

Nicko Falcis’ brother faces media & accuses Kris Aquino of sending death threat
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel