Nagkasagutan talaga! Vice Ganda, prangkang idinetalye ang una at malalang pag-aaway nila ni Anne Curtis

Nagkasagutan talaga! Vice Ganda, prangkang idinetalye ang una at malalang pag-aaway nila ni Anne Curtis

- Inamin ni Vice Ganda sa publiko na nagkaroon sila ng malalang bangayan dati ni Anne Curtis

- Ito’y dahil daw sa hindi nagsorry ang aktres sa isang bagay na ginawa nito

- Kinailangan pa daw na awatin sila ng direktor upang matigil lamang ang kanilang away

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapang na ibinahagi ng Kapamilya comedian na si Vice Ganda ang naging una at malalang pagsasagutan nila noon ng aktres na si Anne Curtis.

Nalaman ng KAMI na naganap ang pag-amin sa mismong programa ng It’s Showtime habang nag uusap-usap ang mga hosts dahil sa ika-9 na anibersaryo ng show.

Una nang binuweltahan ni Vice sina Vhong Navarro at Jhong Hilario dahil sa pang aasar at pagiging “buskadero” nila sa kaniya.

Ngunit isiniwalat ng Phenomenal star na hindi lang daw silang tatlo ang palaaway sa grupo kundi maging ang promising actress na si Anne.

Sa katunayan nga daw ay madalas umiyak ang aktres kapag nakikita nitong nabu-bwisit na ang kaniyang inaasar dahilan upang siya pa raw ang suyuin.

Ayon kay Vice, nagkaroon sila ng malala at pinakaunang pagtatalo noon ni Anne dahil sa natapon na shake.

Imbes daw kasi na magsorry ang aktres ay siya pa ang nagalit at sinisi ang aktor dahil inilapag niya sa madaling matabig ang kaniyang iniinom.

“Natapon yung shake ko… Bagong-bago… Natapon sa sapatos ko. ‘Anne, tinapon mo yung shake ko!’ (Sabi niya,) ‘Kasalanan mo, inilagay mo diyan.’ Tapos sabi niya pa, ‘E ‘di bibili na lang ng bago.’ Sabi ko, ‘Pinaghirapan ko yung pinagbiili ng shake…’” kwento ng Unkabogable star.

“Tapos sabi, ‘Shake lang, nagkakaganyan ka.’ Umiyak. Ang ending, ako yung nag sorry… Dahil sa watermelon shake na natapon, kailangan pang bumaba ng direktor para awatin kami,” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Depensa naman ni Anne, hindi daw totoo na hindi siya humingi ng paumanhin nang masagi niya ang shake na iniinom ni Vice noon.

Ngunit inamin niya na dahil nga sa shake ay nagkaroon sila ng malubhang pag-aaway ng kaniyang co-host.

“Nag sorry ako… Sabi ko, ‘Sorry, sis!’ Ganon lang!” pahayag ng Buybust star.

“Yun yung first pong malalang ano… Nagkasagutan kami ni Vice. Dahil po sa watermelon shake,” dagdag pa niya.

Narito ang video ng pagbubunyag ng dalawa:

Sa nakaraang ulat ng KAMI, nagkwento naman si Vice ng kaniyang hindi magandang karanasan sa comfort rooms kaya naglakas-loob siyang umapela sa senado.

Si Vice ay isang Filipino actor, comedian, singer, host, at endorser na isinilang noong March 31, 1976. Lumaki siya sa Tondo, Manila at nag-aral ng Political Science sa Far Eastern University.

POPULAR: Read more news about Vice Ganda!

Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people to death! (Laughs evilly) – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika

Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika

Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel