180M dollars, alok ng 1 ama sa lalaking magpapakasal sa kanyang dalaga

180M dollars, alok ng 1 ama sa lalaking magpapakasal sa kanyang dalaga

-Desperado na marahil ang isang Chinese businessman na magkaroon ng asawang lalaki ang kanyang anak na babae

-Kaya naman nag-offer na ito ng 180M dollars sa kahit sinong lalaking magpapakasal sa kanyang anak

-Ngunit ang mismong anak na niya ang may ayaw dahil ito ay masaya ng kasal sa kanyang lesbian wife

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tumataginting na 180 million dollars ang offer ng isang mayamang Chinese businessman na si Cecil Chai, sa kung sino mang lalaki ang magpapakasal sa kanyang anak na si Gigi.

Ayon sa article ng Showbiz Insider, una umanong nag-alok ito taong 2012 ng halagang 60 million dollars at 20,000 na manliligaw na ang nagtangkang bihagin ang dalaga.

Ngunit bigo ang ama ni Gigi kaya naman tumaas na sa 120 million dollars noong 2014 ang alok nito na wala pa ring kinahantungan, hanggang sa umabot na nga ng 180 million dollars sa kasalukuyan.

Ang balitang ito ay ikinagulat ng buong Hong Kong.

Si Gigi kasi ay matagal nang ikinasal sa lesbian wife nito na si Sean Eav na tinutulan ni Cecil kaya naman humantong na ito sa ganitong klaseng alok.

180M dollars, alok ng 1 ama sa lalaking magpapakasal sa kanyang dalaga

Photo source: Showbiz Insider
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang open letter pa para sa ama ang isinulat nito.

“As your daughter, I would want nothing more than to make you happy. But in terms of relationships, your expectations of me and the reality of who I am, are not coherent.”

Minsan na rin daw halos pumayag si Gigi sa kagustuhan ng kanyang amang si Cecil sa kondisyong ang kalahati sa halagang makukuha ng lalaki ay mapupunta sa kanyang charity at dapat ay tanggapin nito na siya ay may asawa na.

2012 nang ikasal si Gigi kay Sean at hiniling sa ama na itago ito sa publiko ngunit kabaligtaran ang ginawa nito.

Sa kasalukuyan, maayos naman umano ang relasyon ng dalawa sa kabila ng hindi pagkakaintindihan.

180M dollars, alok ng 1 ama sa lalaking magpapakasal sa kanyang dalaga

Photo source: Showbiz Insider
Source: Facebook

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay. Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Filipino celebrity couples and their adopted children

5 Filipino celebrity couples and their adopted children

5 Filipino celebrity couples and their adopted children
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel