Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

- Kasalukuyang nasa Pilipinas ang social media sensation, ang transgender woman mula sa Thailand na si Sitang Buathong

- Mas kilala siya sa tawag na Mader Sitang

- Ayon sa international manager ni Mader Sitang sa labas ng Thailand, nais niyang ipag produce ng pelikula sina Vice Ganda at Mader Sitang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na mapigilan ang kasikatan ng social media sensation, ang transgender woman mula sa Thailand na si Sitang Buathong, o mas kilala bilang Mader Sitang.

Kung dati ay marami ang nangba-bash sa kanya ngayon ay maraming Pinoy ang tagahanga na niya dahil sa magagandang bagay na nagawa niya.

Isa pala siyang model/endorser at lawyer na nagmamay-ari rin ng isang online store sa Thailand.

In demand siyang endorser sa Thailand at umani ng milyon-milyong views ang kanyang mga videos kung saan kumekembot sabay nag he-head bang siya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Si Wilbert Tolentino ang siyang naging daan sa pagpunta ni Mader Sitang sa Pilipinas. Si Wilbert ay isa ring LGBTQ influencer at Mr. Gay World Philippines 2009 at founder/president ng WEMSAP (Web Marketers Specialist Association of the Philippines, Inc.)

Siya rin ang tumatayong international manager ni Mader Sitang sa labas ng Thailand.

Dagdag sa mga endorsement ni Mader ay ang H&H Makeover Salon kung saan magiging endorser din si Vice Ganda.

Magiging ambassador na rin ng nasabing salon ang Unkabogable star pag napirmahan na niya ang kontrata.

Nais din daw ni Wilbert na mag-produce ng pelikulang pagsasamahan nina Mader Sitang at Vice Ganda. Kung sakali namang matuloy ito ay hanada daw mag-aral ng wikang Tagalog at English si Mader Sitang.

Samantala, ayon sa ulat ng Pep, napag-alaman ng KAMI na masaya ang buhay may-asawa ni Mader. 12 taon na silang mag-asawa ng kanyang 44 years old na mister.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Meet the lovely sister of Ruru Madrid, Athenah 'Rere' Madrid

Meet the lovely sister of Ruru Madrid, Athenah 'Rere' Madrid

Meet Ruru Madrid's lovely sister, Athenah 'Rere' Madrid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel