Vice Ganda at Regine Velasquez, may special announcement na gagawin sa GGV

Vice Ganda at Regine Velasquez, may special announcement na gagawin sa GGV

- Ready na ready na si Unkaboggable Star Vice Ganda para sa nalalapit na 2018 Metro Manila Film Festival at as always may movie na naman siya para sa kanyang mga faney

- Todo na nga ang paghahanda ng It's Showtime host Vice Ganda para sa kanyang pelikulang Fantastica na kasali na naman sa MMFF

- Kamakailan nga ay ginawa ang pictorial ng kanyang movie at dito nga ay napanayam siya at naitanong rin ang tungkol sa naturang special announcement nina Regine Velasquez sa GGV

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang isa sa pinakalatest news ngayon at ito ay ang pagiging Kapamilya ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez, at nakapromise raw ito kay Vice Ganda na sa show niya na Gandang Gabi Vice o GGV, unang guest niya sa ABS-CBN.

Ani pa sa panayam ng ABS-CBN News sa Unkaboggable Star, noong Huwebes, sa pictorial ng kanyang 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Fantastica ay naibahag rin umano ng It's Showtime host ang nalalapit na taping ng kanyang talk show na GGV dahil guest niya ang bagong balik Kapamilya na si Regine.

Excited at looking forward naman talaga s Vice.

Kuwento pa niya:

"Nag-promise kasi siya sa 'kin. Sinabi naman niya noong presscon na first guesting niya pagbalik na pagbalik niya ng ABS, sa akin, sa 'GGV.' Kaya 'yun, mag-te-tape na kami ng episode."

Dugtong na pahayag ni Vice tungkol sa nalalapit na guesting ni Regine Velasquez sa show niya:

"Tapos may special announcement kami doon sa episode namin."

Ano kaya ito?

Ito kaya ang musical show na una ng sinabi ni Asia's Songbird sa isang interview, kung saan makakasama rin niya ang mister na si Ogie Alcasid?

Isa sa mga movie entries ang pelikula ni Vice Ganda na Fantastica kung saan makakasama niya umano sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez sa 2018 Manila Film Festival (MMFF) ngayong December 25, 2018, araw ng pasko.

Makikita ang Unkaboggable Star sa It's Showtime at Gandang Gabi Vice.

POPULAR: Read more news about Vice Ganda here

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel