Matagumpay na financial analyst na may kapansanan, mas hinangaan sa pagiging guro

Matagumpay na financial analyst na may kapansanan, mas hinangaan sa pagiging guro

- Matagumpay nang financial analyst si Richard ngunit mas pinili oa nitongmagturo sa ilang paaralan

- Bagaman at tinamaan ng kondisyon na cerebral palsy, di ito naging hadlang upang gawin niya ang mga bagay na makakapgpasaya sa kanya

- Hinahangaan si Richard sa sipag nito at nagsisilbi rin siyang inspirasyon sa kanyang mga estudyante

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matagumpay na financial analyst ang 31 taong gulang na si Richard Navor, at bagaman tinamaan siya ng kondisyong cerebral palsy, di siya nagpatalo rito. Patuloy pa rin niyang ginagawa ang mga bagay na makapagpapasaya sa kanya.

Isa ring propesor si Richard sa University of the East Caloocan at tuwing Miyerkules naman ay nagtuturo siya ng mga Senior High School students sa St. Gabriel Academy sa Caloocan.

Sa panayam sa kanya ng GMA news partikular na ang programang iJuander, binahagi niya ang kanyang mga napapagtagumpayan sa araw-araw na kanyang ginagawa.

Nakakamamangha talaga si Richard na sa kabila ng kondisyon ay matapang pang nakapagmamaneho ng kotse.

Pagdating sa paaralan, may estudyante nang nakaabang na tutulong sa kanya sa pagdadala ng kanyang gamit paakyat sa kanilang klase.

Bagaman kita sa kanyang hirap siya sa pag-akyat patungo sa ikatlong palapag ng silid-aralan, kita naman sa mukha niya ang kagustuhan makarating doon upang makapagturo.

Di rin naging madali para kay Richard na matingnan siya ula ulo hanggang paa ng kanyang mga estudyante. Ngunit, pag nagsimula na siyang ilabas kung ano ang ibabahagi niyang kaalaman sa mga ito, doon niya napapatunayan na kaya rin niyang gawin ang mga nagagawa ng normal na tao o maaring mas higit pa nga.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isan inspirasyon daw si Richard sa kanyang mga mag-aaral. Sa bawat araw na nagtuturo sila, di lamang sila natututo tungkol sa asignaturang tinuturo ni sir Richard kundi pati na rin ang ilang leksyon tungkol sa buhay.

Gayundin ang pakiramdam ni sir Richard sa katuparan ng kanyang adhikain sa pagtuturo. Wala raw katumbas ang saya na kanyang nadarama sa tuwing nagpapasalamat ang kanyang mga estudyante.

Katunayan nga, isa sa estudyante niya ang nagsabi na wala sinuman ang may karapatang magsabi ng panukala kung sino ang normal o hindi, dahil tulad ng kanilang guro na si sir Richard, napakagandang ehempo niya na minsan ang mga taong may kapansanan pa ang mas may pakinabang sa lipunan.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI YOutube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel