Buwis buhay na selfie mula sa may 10 metrong taas na puno, umabot na sa 1.5 million views

Buwis buhay na selfie mula sa may 10 metrong taas na puno, umabot na sa 1.5 million views

-Viral ngayon ang video ng buwis buhay na selfie ni Prince Jocame

- Ibang level ang selfie ni Prince dahil ginawa niya ito sa 10 metrong taas ng puno habang naka-gown na pink

- Umabot na sa 1 million views ang nakakatuwang video ni Prince

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang kakaibang selfie na nagawa ni Prince Jocame kung saan umakyat p siya ng 10 metrong taas na puno nang naka-gown.

“Kita niyo nga guys, medyo naghahanap tayo ng magandang view, at nasa tuktok po tayo ng kabundukan (puno)," ayon kay Prince.

Suot ang kanyang pink gown matapang niyang inakyat ang kalbong puno kung saan makikita na ang kabundukan at kagandahan ngkapaligiran ng kanilang lugar.

Nalaman ng KAMI na sanay nang umakyat ng puno ni Prince. Katunayan, katuwaan na nga lamang nilang magkakapatid ang pag-akyat ng puno.

Ayon din kay Prince, may kakaiba rin daw kasing pakiramdam pag nasa itaas ka. “Trip lang sa akin na umakyat ng puno, parang katuwaan lang naming magkakapatid... Pagdating sa taas na-appreciate ko naman na parang ganito 'yung feeling sa taas ka, titingalain ka.”

Ngunit, dahil sa panganib nanakaamba sa pag-akyat ni Prince, nakararamdam din naman siya ng takot.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Sa isip ko nga kung malalaglag ako dito baka ewan ko lang kung mabuhay pa ako."

Ilang araw matapos i-upload ni Prince ang. Ideo, pumalo na ito ngayon sa 1 million views.

Di malayo sa mga susunod na araw na gulatin tayo muli ni Prince sa susunod naselfie niya na di lang daw puno ang kanyang aakyatin.

"Hindi lang mga puno, talagang mga tower talaga ang susunod. Dun ako magse-selfie," plano ni Prince.

Samantala, paalala ni Prince na huwag basta gagayahin angkanyang ginagawa dahil gaya ng nabanggit, sanay na siya sa paggawa nito.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte, Poe, and Robredo finally answer speculations about Presidential bid in 2022

Duterte, Robredo, and Poe answer speculations about Presidential bid in 2022

Duterte, Robredo, and Poe answer speculations about Presidential bid in 2022
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel