Video ng guro na nanakit at nagmura di umano sa ilang boy scouts, nag-viral

Video ng guro na nanakit at nagmura di umano sa ilang boy scouts, nag-viral

- Viral ngayon ang video ng guro na nahuling nanggagalaiti sa galit sa mga boy scouts sa Isabela

- Nahuli ang pananakit ang pagmumura ng guro na nakunan ng video

- Desidido ang mga magulang ng mga bata na ireklamo ang naturang guro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Huli sa video ang isang guro na nanggagalaiti sa galit sa mga estudyanteng boy scout.

Viral ang naturang video na kuha sa Reina Mercedes, Isabela kung saan minunura ng guro ang mga batang lalaki.

Bukod sa pagmumura, dala ng matinding galit, nagawa rin niyang saktan ang ilang boy scout.

Dinig na dinig sa video ang mga masasakit na salita na binato ng guro sa walang kalaban laban na boy scouts.

Hindi malinaw ang matinding dahilan ng guro para magawa niya ang pagmumura at pananakitsa mga batang lalaki.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagbigay na ng pahayag ang Department of Education at paiimbistigahan ang insidente. Sang-ayon silang di tama atlumampas na sa limitasyon ang pagdidisplina ng guro sa mga bata.

"Ito po ay clearly hindi ina-allow ng DepEd. Ito po ay in violation of our policy. Corporal punishment is not allowed and positive po dapat ang approach," pahayag ni Annalyn Sevilla, tagapagsalita ng DepEd.

Nalaman ng KAMI na paiimbistigahan din ang pamunuan ng paaralan dahil sa buntis pala ang guro na kasama pa rin sa camping Ng boy scouts.

"Five months pregnant si teacher so bakit siya pa ang sumama sa mga boy scout na camp out," dagdag ni Sevilla.

Samantala, desidido raw ang mga magulang ng mga boy scouts na ireklamo ang guro sa viral video.

Wala pangpinalalabas na pahayag ang pamunuuan ng paaralan at maging ang guro na sangkot sa insidente.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica