Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

Bea Alonzo, ibinunyag ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson noong 2010

- Ibinahagi ni Bea Alonzo ang naging dahilan kung bakit sila nagkahiwalay noon ni Gerald Anderson

- Naging magkarelasyon sila noong taong 2010 kung kailan mainit ang tamabalang KimErald

- Hindi din daw boto ang ina ni Gerald noon sa aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinariwa ni Bea Alonzo kung paano sila nagmahalan ng boyfriend niyang si Gerald Anderson noong una silang naging magkarelasyon.

Nang matanong sa kanya kung ano ang naalala niya sa kasalukuyang pelikula kung saan katambal niya ang aktor na si Aga Muhlach, ibinahagi niya ang naging experience nila ng boyfriend.

“Siguro yung experience namin nung 2010.

"Kasi nung 2010, tumatalon lang kami sa pagmamahal. 'Tsaka na lang yung fear.

"Na-in love lang kami. Hindi namin pinigilan ang sarili namin."

Lumabas ang balitang nagkakamabutihan ang dalawa noong April ng taong 2010. Gayunpaman, ang kundisyong ibinigay ng dalaga ay muli siyang suyuin ng aktor pagkatapos ng tatlong buwan na ginawa naman ni Gerald.

Naging sila na nga kinalaunan ngunit marami umano naging hadlang.

"Tapos nagkaroon siyempre ng consequences. Nagkaroon ng limitations. We were together nung 2010. But of course, maraming [hadlang]. Hindi siya napapanahon nung time na yun. Hindi right timing for us.

Marami pa daw silang gustong gawin kaya kinailangan nilang putulin ang kanilang relasyon.

“We were very young and marami pa kaming gustong gawin sa buhay, so it had to be stopped."

Napabalita din noon na hindi boto ang ina ni Gerald kay Bea. Mainit din ang pagtanggap ng tao sa tambalang Kimerald noong mga panahong iyon kaya marami ang nagalit hanggang sa umabot pa sa pagpapadala ng death treats kay Bea at Gerald.

Nabigyan naman ng pangalawang pagkakataon ang kanilang pagmamahalan noong 2016.

“Tapos nagkabalikan kami nung recently lang. Hindi ko talaga sasabihin when….” Kuwento ng aktres habang tumatawa.

Pagbabahagi pa ni Bea, kapag may pinagdadaanan silang pagsubok, inaalala ng dalaga ang unang pagkakataong na inlove siya sa boyfriend.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Siyempre, hindi naman siya perfect, di ba? Pag nagkakaproblema kami, bumabalik ako dun sa naramdaman namin na yun nung 2010.

“Pag first love, pure, walang pag-aalinlangan, hindi mo iniisip na sasaktan ka niya.

“Yung feeling na nagkaroon ako na a love that’s unafraid, a love that’s pure. Hindi jaded...” dagdag pa niya.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Nicko Falcis’ brother faces media & accuses Kris Aquino of sending death threat

Nicko Falcis’ brother faces media & accuses Kris Aquino of sending death threat

Nicko Falcis’ brother faces media & accuses Kris Aquino of sending death threat
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel