Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

Tatlong mambabatas sangkot sa ‘pork barrel scam’ nais muling bumalik sa Senado

- Tatlong dating senador na nasangkot sa 'pork barrel scam' ang nais bumalik sa Senado

- Heto nga ay sina Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Juan Ponce Enrile

- Ayon sa Comelec ay maaari ngang tumakbo sila muli hangga't wala pang final conviction ang Korte Suprema

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsimula nga noong October 11 hanggang October 17 ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga nais tumakbo para sa dating na eleksyon sa 2019.

Ngunit, nalaman ng KAMI na ang tatlong dating senador na kinasuhan ng plunder na may kaugnayan sa ‘pork barrel scam’ ay nagnanais muling bumalik sa Senado.

Noong October 16 (Martes) ay nareport ng KAMI na nag-file ng COC ang dating senador na si Jinggoy Estrada sa Commission on Elections (Comelec) kasama ang kanyang tatay na si Mayor Joseph "Erap" Estrada.

Samantala, si dating Senador Ramon "Bong" Revilla naman ay nasa piitan pa rin hanggang ngayon simula noong nakulong siya dahil nga sa pork barrel scam. Kaya naman ang kanyang asawa na si Lani Mercado kasama ang mga anak na si Jolo Revilla at Brian Revilla ang nag-file ng COC para sa kanya na naiulat ng KAMI noon.

"Ikinulong man nila ako, hindi nila maikukulong ang aking puso, diwa, at pagmamahal sa bayan,” Sabi sa isang statement ni Revilla na binasa ni Mercado sa Comelec.

Ikinagulat nga ng marami ang pagtakbo muli sa Senado ng dating Senate President na si Juan Ponce Enrile. Si Enrile ay 94 y/o na ngayon. Sa unang pagkakataon ay ang lawyer niya ang nag-file ng COC niya ayon sa report ng KAMI. Subalit, nag-file siya muli at personal na siyang pumunta sa Comelec sa pangalawang pagkakataon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Noong 2013, sina Estrada, Revilla, at Enrile ang tatlong dating senador na nasangkot sa issue ng 'pork barrel scam' o paggamit sa maling paraan ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) na dapat ay nakalaan lamang sa projects ng mga mambabatas.

Nagsimula ang issue noon kay Benhur Luy, pinsan ng businesswoman na si Janet Lim Napoles o kilala bilang diumano'y 'Queen of Pork Barrel'. Si Luy ay naging tauhan ni Napoles noon hanggang sa siya raw ay itinago upang hindi makapagsalita ukol sa diumano'y P10 billion pork barrel na hindi ginamit sa tamang paraan. Si Napoles daw ang mastermind ng scam na ito. Ilang mga pangalan din ng government officials ang nasangkot dito.

Ayon sa report ng Inquirer, si Revilla raw ang may pinakamalaking na-kickback sa pork barrel. Umabot ng P224.5 million ang kanya raw nakuha. Kinasuhan din siya ng plunder at 16 counts sa graft. Siya rin daw ang unang dinala sa piitan at hanggang sa ngayon ay wala pa ring final decision sa kanyang kaso kaya nananatili pa rin siya sa Camp Crame ngayon.

Si Estrada naman daw ay P183 million ang nakuha mula sa kanyang PDAF simula 2004 hanggang 2010. Sinampahan din siya ng plunder case at 11 counts para sa graft Pansamantalang pinalaya si Estrada noong 2017 dahil pinayagan ng Sandiganbayan na mag-bail ang dating senador. Umabot ng P1.33 million ang piyansa ni Estrada.

Samantala, si Enrile naman ay nakalikom daw ng P172.8 million mula sa kanyang pork barrel. Kinasuhan din siya ng plunder at 15 counts para sa graft. Noong 2015 ay pansamantalang pinalaya si Enrile dahil pinayagan din siya mag-post ng bail ng Sandiganbayan na umabot naman ng P1.45 million.

Pwede nga kaya silang tumakbo at magsilbi muli sa gobyerno?

“Kung walang final conviction ang kandidato, puwede iyang tumakbo kahit nasa piitan siya,” sabi ng Comelec Spokesperson na si James Jimenez base sa report ng ABS-CBN News.

Sinabi rin ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje Tang na ang conviction ay hindi nangangahulugang disqualified na ang isang tao upang tumakbo sa eleksyon.

"The judgment of conviction must be final and executory...so if there is a pending motion for reconsideration or appeal from the judgment of conviction, the disqualification does not yet attach," sabi ni Tang.

Hangga't hindi pa final ang ruling o conviction ng Korte Supreme na pinataw sa isang tao ay maaari pa rin itong tumakbo sa eleksyon at manilbihan sa gobyerno.

Philippines tricky questions: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Why Marry The Groom If He's Not The Best Man? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)