Pangulong Duterte, gusto raw maging friend si Kim Jong Un

Pangulong Duterte, gusto raw maging friend si Kim Jong Un

- Para kay Pangulong Duterte, hihingi na lang daw siya ng tulong sa North Korea kung sakaling salakayin muli ng terorista ang Pinas

- Gusto niya raw kaibiganin sana si Supreme Leader Kim Jong Un ng North Korea

- Dagdag niya pa na “idol” niya raw si Kim Jong Un

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Noong 2017 nga ay sinalakay ng mga terorista ang Marawi City. Kaya naman si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagbiro na hihingi raw siya ng tulong sa North Korea kung sakaling maulit ito.

Nalaman ng KAMI sa report ng Manila Bulletin na nais ni Panguong Duterte na gusto niya raw kaibiganin ang Supreme Leader ng North Korea na si Kim Jong Un.

“Where do I get the rockets? Where do I get the thing there? China. Walang iba unless I go to a state visit sa North Korea. Kaibiganin ko na lang ‘yon,” sabi ni Duterte.

“Baka pareho ‘yung ulo namin sira, eh ‘di magkaintindihan kami,” dagdag niya pa.

Pinuri rin ni Pangulong Duterte si Kim Jong Un noong nagkaroon na ng kapayapaan sa pagitan ng North at South Korea. Sabi pa ni Duterte na “idol” na raw niya si Kim Jong un at “hero” daw ng lahat ito.

Noong nakaraang taon naman ay sabi ni Pangulong Duterte na “maniac” daw si Kim Jong Un sa nais nitong mag-launc ng nuclear bomb. Inilarawan pa ni Duterte si Jong Un bilang “chubby”.

Samantala, naiulat nga ng KAMI na humingi na rin ng tulong ang Pilipinas sa isang Israeli firm. Pumirma na ng deal si Pangulong Duterte at ang CEO ng Ratio Petroleum Limited upang mag-explore ng oil at gas resources sa East Palawan Basin.

Makakatulong ito sa bansa upang hindi na umasa sa import sa darating na panahon kung saan mas malaki ang nagagastos ng Pilipinas.

POPULAR: Read more news about President Duterte!

Philippines tricky questions: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Why Marry The Groom If He's Not The Best Man? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’

Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’

Kahit mga senador, nagkomento sa sinabi ni PNP chief ukol sa ‘Ang Probinsyano’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel