Robin Padilla, muntik nang iuwi si Mariel Rodriguez kahit ‘di pa tapos ang Magpasikat number

Robin Padilla, muntik nang iuwi si Mariel Rodriguez kahit ‘di pa tapos ang Magpasikat number

- Nagtanghal kamakailan lang si Mariel Padilla kasama ang partner nitong si Anne Curtis para sa Magpasikat 2018

- Todo suporta ang asawa ni Mariel na si Robin Padilla

- Pag-amin ng aktor, parang gusto niya na daw iuwi ang kaniyang misis habang nagpe-perform

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pabirong inamin ng Kapamilya actor na si Robin Padilla na muntikan niya nang iuwi ang asawang si Mariel Rodriguez habang nakalambitin ito sa ere para sa kanilang Magpasikat 2018 performance.

Nalaman ng KAMI na mga delikadong stunts ang ipinamalas ni Mariel at ng partner nitong si Anne Curtis para sa inaabangan nilang pagtatanghal ngayong taon.

Isa sa mga sumuporta at masugid na nanood ng kanilang makapigil-hiningang performance ay ang aktor at asawa ni Mariel na si Robin.

Sa katunayan, matapos ang pagtatanghal ay niyakap at binigyan pa ng isang matamis na halik ng batikang aktor ang kaniyang misis.

Ayon kay Robin, nagalingan siya sa performance ng kaniyang asawa at ng partner nitong si Anne ngunit aminado siya na kinabahan siya dahil sa mga delikadong pakulo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinabi din nitong nawala daw ang kaniyang puso habang pinapanood si Mariel ngunit hindi din naman daw maipagkakaila na nagandahan siya sa kaniyang misis.

“Pwede ba iuwi ka na yung asawa ko? Ang galing, ang galing… Yung puso ko, nawala, e. Pero ang ganda ganda mo… Pasensya ka na pero talagang nabighani na naman ako sa’yo,” sambit ng aktor.

“Muntik na, muntik na… Yung dulo...” pahayag pa niya nang usisain tungkol sa kagustuhang iuwi ang asawa habang nagpe-perform.

Narito ang video:

Sa nakaraang ulat ng KAMI, una nang nagpasikat ang tandem ni Jugs at Teddy na nagpakita naman ng pagmamahal ng isang ama sa kaniyang anak.

Isinilang noong November 23, 1969, si Robin ay isang Filipino film at television actor, screenwriter, producer, at direktor. Binansagan siyang “Bad Boy” ng Philippine Cinema dahil sa kaniyang mga gangster roles sa pelikula.

Noong August 19, 2010, pinakasalan niya si Mariel sa India at nagbunga ang kanilang pagsasama ng isang cute na anak na si Maria Isabella.

POPULAR: Read more news about Robin Padilla!

Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people to death! (Laughs evilly) – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Girl from a viral video does 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel