Babaeng tulog sa bangketa, binagsakan ng bato sa ulo gawa ng kaaway

Babaeng tulog sa bangketa, binagsakan ng bato sa ulo gawa ng kaaway

- Sapul sa cctv ang pagbagsak ng isang lalaki ng isang malaking tipak ng bato sa ulo ng babaeng natutulog sa bangketa

- Nakilala ang lalaki na si Ronelito Flogio at depensa nito pinagbintangan siya na nagtiklo sa pulis na adik di umano ang baba

- Kritikal ngayon ang lagay ng babae na nagpapagling sa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kitang kita sa cctv ng N. Zamora st, Tondo kung paano walang kaabog-abog na binagsakan ng malaking tipak ng batong isang lalaki ang babaeng natutulog sa bangketa.

Matapos gawin ito, tumakbo na ito palayo sa biktima na ngayon ay kritikal ang lagay sa ospital.

Nakilala ang salarin na si Ronelito Flogio na nakaalitan pala talaga ng biktimang si Avelina Navarro.

Nahuli ang suspek dahil nakunan pa rin ng cctv kung saan siya nagtungo matapos gawin ang pananakit sa babae.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kwento ni Ronelito, nakaaway niya umano si Avelina dahil sa pagbibintang nitong siya ang nagsumbong sa pulis na ang biktima at mga kasama nito ay gumagamit daw ng iligal na droga.

Nagawa pa raw kasi siyang bugbugin ng grupo ni Avelina na sa tindi ng pananakit, makikitang bali ang ilong ni Ronelito pati na ang kanyang kanang kamay.

Nagawa lamang daw niya ang agbagsak ng bato sa ulo ni Avelina bilang ganti.

Nagtamo ng fracture sa kaliwang bahagi ni ulo si Avelina.

Sasampahan ng kasong serious physical injuries si Ronelito ng pulisya.

Samantala, tumangging magbigay ng pahayag ang mga kaanak ni Avelina tungkol sa sinapit nito at maging tungkol sa akusasyon na gumagamit ito ng pinagbabawal na gamot.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Taong lumot" na naninirahan sa ilalim ng tulay, nangunguha umano ng buhay

"Taong lumot" na naninirahan sa ilalim ng tulay, nangunguha umano ng buhay

"Taong lumot" sa ilalim ng tulay, nanggagambala umano sa mga tao roon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel