Labi ng isang babaeng 10 taon nang nakalibing, 'di naagnas

Labi ng isang babaeng 10 taon nang nakalibing, 'di naagnas

-Nagulat ang mga kaanak ni lola Griselda nang makitang hindi naagnas ang kanyang katawan matapos itong hukayin

-Sampung taon na nang pumanaw at ilibing ito. Nais umano ng kanyang pamilya na gawing santa ito

-May paliwanag naman ang mga embalmer at caretaker ng sementeryo tungkol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pumanaw si lola Griselda noong Setyembre 27, 2008 dahil sa cardiopulmonary arrest. Sampung taon ang nakalipas, hinukay ang labi nito ng kanyang pamilya upang isama sana sa namayapang anak nito.

Ngunit laking gulat ng mga ito nang makitang hindi daw naagnas ang kanyang katawan.

“Kahit ako mismo, pag-open niya ng casket nagulat ako mismo kasi yung glass niya sira na tapos yung upper ng gasket sira na. So bakit ganun, buo pa?” ani ng apo ni Griselda na si Robert Dorado.

“Kung ano ang itsura niya paglibing, ganun din pa din. Pero dumating dito ang kinis-kinis ng mukha niya,” sabi naman ng kaniyang anak na si Marie Suzzette Dorado.

Ngunit ayon sa caretaker ng sementeryo, may mga bangkay daw talaga na matagal bago maagnas na kung minsan ay inaabot pa ng 30 taon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon naman sa mga professional embalmer, mabagal ang proseso ng pag-agnas ng bangkay kung walang nakakapasok na hangin o tubig sa kabaong.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, dahil sa natuklasan, nais umanong maging santa ng pamilya si lolo Griselda. Ngunit hindi ito madali ayon sa simbahan.

“Sainthood is a long process of investigation. We look into her life. But you see, 'yung mother nila in the end maging saint, hindi man maging saint, it is only really for God to say that,” pahayag ni Msgr. Freddie Billanes, rector ng Immaculate Conception Metropolitan Cathedral.

Ipapalibing naman ang bangkay muli sa Sabado dahil na rin sa abiso ng simbahan.

Can Filipinos sing? We are going to check it in this episode of “HumanMeter”! How will we do it? The answer is… Filipino karaoke right in the streets! We’ve decided to go into the streets of the Philippines and ask random people to stop for a while and sing karaoke – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang galing! Fishball vendor, nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo

Ang galing! Fishball vendor, nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo

Ang galing! Fishball vendor, nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel