1 sa nanalo ng P1 billion lotto jackpot, nangutang muna ng pamasahe para makuha ang premyo

1 sa nanalo ng P1 billion lotto jackpot, nangutang muna ng pamasahe para makuha ang premyo

-Isa sa mga nanalo at hahati sa mahigit P1 billion jackpot prize sa ultra lotto, kumubra na ng kanyang premyo

-Mahigit P472M ang iiuwi ng isang lalaki, middle age at galing umano sa masa

-Ayon sa PCSO, nangutang pa umano ng pamasahe ang winner para lamang makubra ang kanyang premyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa sa dalawang maswerteng nanalo at hahati sa mahigit P1 billion na jackpot sa ultra lotto, kumubra na ng kanyang premyo nitong Martes.

Ang kabuuan ng parte na napanalunan nito ay P590,311,264.00 na tatapyasan ng 20% tax kaya ang total ng maiuuwi nito ay nasa P472M.

Lalaki, middle age at galing sa masa ang maserteng winner na nauna nang kumubra ng kanyang premyo.

Ayon pa sa kwento ni Arnel Cansas,assistant general manager for gaming ng PCSO, nangutang pa umano ng pamasahe ang lalaki na may kasama pang isang lalaki, para makuha ang kanyang premyo.

Mula umano sa Samar ang lalaking winner.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Marami na siyang dalang biyaya para mabayaran ang kanyang utang," ayon kay Cansas.

"Ingatan ang pera, gamitin nang maayos at nawa’y marami siyang matulungan pa na mga kababayan, makapag-create ng job opportunities sa ilan nating kababayan," paalala pa nito.

Samantala, ang isa pang nanalo na mula sa Albay ay hindi npa kinukuha ang kanyang parte at mayroon lamang itong 360 na araw para magtungo sa tanggapan ng PCSO.

Sakaling hindi nito makuha, mapupunta sa charity fund ang pera.

Nakuha ng dalawa ang maswerteng kombinasyon na 40-50-37-25-01-45.

Can Filipinos sing? We are going to check it in this episode of “HumanMeter”! How will we do it? The answer is… Filipino karaoke right in the streets! We’ve decided to go into the streets of the Philippines and ask random people to stop for a while and sing karaoke – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Agot Isidro, umiinit raw ang ulo sa diumano'y mga excuses ni Imelda Marcos

Agot Isidro, umiinit raw ang ulo sa diumano'y mga excuses ni Imelda Marcos

Agot Isidro, umiinit raw ang ulo sa diumano'y mga excuses ni Imelda Marcos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel