Cacai Velasquez, isiniwalat ang ilan sa mga tunay na dahilan ng paglipat ni Regine Velasquez

Cacai Velasquez, isiniwalat ang ilan sa mga tunay na dahilan ng paglipat ni Regine Velasquez

- Nilinaw ng kapatid ni Regine Velasquez ang dahilan ng paglipat nito sa ABS-CBN

- Si Cacai Velasquez-Mitra ang tumatayong business-manager ni Regine

- Ayon pa kay Cacai, matagal nilang pinag-isipan ang naging desisyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bilang manager ng career ni Regine Velasquez, isa din si Cacai Velasquez-Mitra sa nagpasya sa naging career move ng Asia's songbird.

Mula nang magdesisyon si Cacai na huminto sa kanyang singing career, si Cacai na ang tumayong manager ng kapatid.

Napag-alaman ng KAMI na matagal nilang pinag-isipang magkapatid ang paglipat ni Regine mula sa GMA-7 papuntang ABS-CBN.

Sa isang panayam ng PEP, nilinaw ni Cacai na ang naging dahilan upang tuluyan nang lisanin ng kapatid ang kanyang naging tahanan sa loob ng dalawang dekada.

“Matagal, kasi ang tagal naming nag-decide, e.

“So, nagpaalam muna kami bago ako nag-mediation [sa ABS-CBN], e.”

Ilang buwan din diumano ang inabot bago sila nakipag meeting sa ABS-CBN.

“Mga two months or three months ago?

“Mga ganun. Matagal, medyo matagal-tagal.”

Dagdag pa niya January pa lamang nitong taon ay natapos na ang kontrata ni Regine sa network ngunit may ilan pa itong commitments kaya tumagal pa siya.

“ Actually, yung network contract [sa GMA-7] ended talaga end of January. Medyo matagal na.

“But meron syang existing contract, ano lang, show contract with Sarap Diva that ended ng mga June.

"That’s the only time I negotiated [with ABS-CBN]."

Si Regine ang naging cooking talk show host ng Sarap Diva kung saan siya may show contract. Kahit mga ganung uri ng kontrata ay may exclusivity pa rin diumano kaya hindi sila makapag desisyon kaagad.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ilang beses din umano nagbago ang isip ng singer actress.

“It was a difficult decision, di ba?"

“So, nung na-decide na niya, that’s the only time na nag-meeting kami.

“So, long process pa rin naman yun, e.

Nilinaw din ng kampo ni Regine na walang kinalaman sa contract price offer o talent fee ni Regine sa naging desisyon.

“Nothing to do with the TF [talent fee] anymore... eto yung decision niya na nothing to with the TF anymore.”

Gayunpaman, isa din umano sa unang naging dahilan iyon. “It was a factor before but ang talaga sa kanya is to work with other artists, yun talaga.”

Nais din umano makatrabaho ni Regine ang ibang mga artista.

“Dun talaga kami na-limit kasi, e, kunwari yung pag soap, sinong puwedeng i-partner? Yung ganun ba?

“In terms of project, nali-limit din.

“You’re limited to the characters also kasi yung leading man, medyo kapos.”

Matatandaang nagsimula ang balitang paglipat nito sa mga blind items hanggang sa pinangalanan na nga na si Regine ay lilipat ng istasyon. Nauna nang lumipat ang asawa niyang si Ogie Alcasid at iba pang kasamahan kagaya nina Jaya, Janno Gibbs, Lani Misalucha at Jonalyn Viray.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her son “gwapo”

Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her son “gwapo”

Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her son “gwapo”
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel