Pokwang, kinwento ang napakalaking tulong na binigay ni Regine Velasquez sa kanya walong taon na ang nakaraan

Pokwang, kinwento ang napakalaking tulong na binigay ni Regine Velasquez sa kanya walong taon na ang nakaraan

- Sa pagbabalik ni Regine Velasquez sa Kapamilya network, marami ang naging masaya at isa na rito si Pokwang

- Kinwento ni Pokwang kung paano nag volunteer si Regine na maging guest niya sa concert niya

- Ang pinakamaganda dito ay hindi man lang humingi ng talent fee si Regine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa si Pokwang sa mga naging masaya sa pagbablik ni Regine Velasquez sa Kapamilya network.

Nalaman ng KAMI na nagbigay ng "tribute" si Pokwang kay Regine sa pamamagitan ng isang napakagandang post.

Sabi ni Pokwang, walong taon daw ang nakaraan noon nang mag-concert siya sa Aliw Theater nang tatlong gabi.

Nang nalaman daw ni Regine na magco-concert siya, nag presinta daw si Regine na magiging guest ni Pokie.

Kwento pa ni Pokwang, tinawagan daw agad ni Reg ang sister niyang si Cacai para ma-arrange ang schedule niya.

Ang pinakamaganda pa dito ay hindi raw nag pa TF si Regine! Hindi siya humingi ng bayad at ginawa niya iyon "for the love" daw sabi ni Pokie.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya ngayon, sobrang saya ni Pokwang at si Regine ay nasa Kapamilya network na!

"8 years ago nang mag concert ako sa aliw theater ng tatlong gabi, nalaman mo na may concert ako kaya nag presinta ka na ikaw ang isa sa guest ko, tinawagan mo agad ang sister mong si miss Kakai para ayusin ang schedule mo, at eto pa mi hindi ka nag pa TF!! as in for the love ❤️ thank you, thank you queen @reginevalcasid napaka busilak ng puso mo..... kaya napaka saya ko at kapamilya kana rin paaakkkk #welcomehomekapamilyaregine God bless you more and see you around yeheeeyyyy "

Si Pokwang ay isang Filipina actress at comedienne. May dalawa na siyang anak at may loyal partner siya na si Lee O'Brian.

Matagal na rin si Pokwang sa showbiz at marami na ring pagsubok sa buhay ang nalampasan. Naiulat sa KAMI na naging emosyonal si Pokwang dahil sa hindi na naaalala ng kanyang ina ang pangalan niya.

POPULAR: Read more about Pokwang

Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.

Source: Kami.com.ph

Related news
Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika

Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika

Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel