Mister na minamaltrato ng misis, buong tapang na binahagi ang mapait na karanasan

Mister na minamaltrato ng misis, buong tapang na binahagi ang mapait na karanasan

- Binahagi ni Rom Factolerin ang karahasang naransan niya mula sa kanyang misis

- Tumagal ng 13 taon ang kanilang pagsasama na puro pang-aabuso ang kanyang dinanas

- Nakabangon si Rom at nakawala sa mapang-abusong asawa at masaya ngayon siya sa bagong relasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang ng binalikan ni Rom Factolerin ang mapait niyang karanasan sa kamay mismo ng dati niyang misis.

Ayon sa GMA News, umpisa pa lamang daw ng relasyon nina Rom at ng dating misis, kinakitaan na niya ito ng mga senyales ng pang-aabuso.

Nagsimula raw ito sa verbal abuse. Maging ang maliliit na bagay ay pinagmumulan na ng init ng ulo ng dating misis gaya ng tanghali nang paggising o gabing gabi nang pag-uwi.

Depensa naman ni Rom, sa trabaho niya sa animation, madalas talaga silang gabihin sa dami ng gawa at sa mga proyektong kailangan nilang tapusin.

Nasasabihan na raw agad siya nito ng tamad kahit pa alam naman daw ng dating misis niya na trabaho naman ang dahilan kung bakit siya ginagabi. Si Rom lang ang naghahanapbuhay noon habang ang misis niya ay nasa bahay lamang.

Bukod sa pananakit na berbal at pisikal ng asawa, dumating pa sa punto na pinagsasarhan siya ng pinto ng bahay nila kapag pumapalya ang sahod ni Rom.

Aminado si Rom na dominante ang dati niyang asawa. Katunayan, minsan nang nabasag ang kanyang ilong dahil hinampas siya nito ng bangko.

Mismong ang mga anak nila ay nakakasaksi ng pagmamaltrato ng ina sa ama. Minsan nakita pa ni Mao, isa sa mga anak ni Rom na putok ang labi ng kanyang ama at may hawak nang kutsilyo ang kanyang ina.

Maswerte pa rin daw si Rom na sa ilang beses na tinutukan siya ng dating misis ng kutsilyo ay di naman daw nito tinutuloy na isaksak sa kanya.

Inakala tuloy ni Mao na normal lang ang nangyayari sa kanyang mga magulang dahil sa madalas na pagtatalo ng mga ito.

Matapos daw kasing magalit ng kanyang ina sa kanyang ama, parang walang nangyari. Mabait daw ito at malambing na akala mo'y hindi humarang ang kutsilyo sa mister.

Tumagal pa ang pagsasama nina Rom at dating asawa hanggang sa lumaki ang mga anak nila. Napag-isip isip lang daw ni Rom na di na ito tama talaga dahil mismong ang mga anak niya na may mga isip na ay naapektuhan na sa mga nagaganap.

Doon nagdesisyon na si Rom na makipaghiwalay. Inako pa rin ng misis ang pag-aalaga sa mga bata at tumagal ng taon bago makitang muli ni Rom ang mga anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagulat na lamang siya nang makatanggap siya ng text at sinabi ni misis ang kinaroroonan nila. Pinuntahan ni Rom ang mag-iina niya at doon sinunggaban na niya ang pagkakataong kunin ang mga bata.

Inenrol niya ang mga ito sa Cavite at mula noon, binali na niya ang kanyang sim card, dahilan para mawalan siya ng komunikasyon sa mapang-abusong asawa.

Ngunit, di na talaga nagparamdam at nagpakita kahit sa mga anak ang misis ni Rom. Di niya masisisi ang mga anak na tuluyang malayo ang loob sa kanilang ina.

Di naman daw naisipang magdemanda ni Rom dahil saparte niya, nakakahiya raw aminin na sinasaktan siya ng kanyang misis.

Hanggang sa naging miyembro siya ng Diego Silang movement, isang samahan ng mga naging biktima ng mapang-abusong asawang babae sa asawang lalaki.

Layunin nito na ipadama sa mga katulad niyang nakaranas ng pananakit ng berbal at pisikal ng kanilang asawa.

Bukod sa grupong ito, bahagi ni therapy ni Rom ang pagpipinta at pagsusulat ng mga maiikling kwento.

Dito, ginawa na lamang niyang kapaki-pakinabang ang kanyang karanasan kung saan hinuhugot niya sa di magandang karanasan ang kanyang sining.

Sa ngayon, masaya na si Rom sa kanyang bagong kinakasama na ni minsan daw ay di niya naranasan ang ganoong klase pagtatalo na nauuwi sa pananakit ng babae.

Sa ating bansa, may batas na tinatawag na violence against women angd children. Sa pangalan pa lang malinaw na ang nasasakupan lamang nito ay pawang mga kababaihan.

Sana raw, maging patas na magkaroon ng batas na magproprotekta kaninuman mapababae o mapalalaki.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica