Tiger-dad mode! Aga Muhlach, nire-rehearse na ang sasabihin sa lalakeng aakbay kay Atasha

Tiger-dad mode! Aga Muhlach, nire-rehearse na ang sasabihin sa lalakeng aakbay kay Atasha

- Teenagers na ang mga anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales

- Ngayon pa lang iniisip na ng premier aktor kung ano ang sasabihin sa lalakeng aakbay o hahawak sa anak na babae

- Nagbigay din ng payo ang aktor sa mga anak pagdating sa pagmamahal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa Tonight with Boy Abunda, hindi nakaligtas si Aga sa tanong kung naisip na ba niyang minsan uuwi ang anak na babae at sasabihing she's in love.

Sagot naman ni Aga na okay daw siya kasi na-practice na niya.

"I’m okay. Na-practice ko na yan. Life has a way of teaching you these things."

Hindi dito nagtapos ang sinabi ni Aga, ipinaliwanag pa niya na ang role daw ng magulang ay ang gumabay pero hindi raw pagmamay-ari ang mga anak.

"One day, you realize na, ‘Wow our children are not ours really.’ Taga-bantay lang talaga tayo sa kanila because at some point may kukuha talaga diyan e. Parang yung kinuha ko ang asawa ko sa nanay niya. But I still want it done the right way. I’m still old school…”

Siyempre, di naiwasang tanungin si Aga kung naisip na ba niya ang pagkakataong may lalakeng hahawak sa anak niya, simple din lang naman ang sagot niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"“Sino kaya yung lalaking makikita kong hahawak sa kamay ng anak ko or aakbay or hahalik sa babae ko…” at pabiro niyang dugtong, “brother, wag ako. Alam ko yan. Papunta ka pa lang, nakailang balik na ako dyan. Wag ka magmagaling, hijo, baka gusto mo ng tubig. Baka nag-iinit ka lang. Eto maraming ice.”

Sa huli, isang magandang payo ang ibinigay ng aktor sa mga anak pagdating sa pag-ibig.

"“I even told my kids, wag kayong tumingin sa mayaman o mahirap. Basta maganda ang hangarin, maganda ang pakitungo. Parang ako noon may mga nililigawan din ako, may mga family na naglu-look down din sa akin. Ang baba ng tingin sa akin. Ang sakit…”

"Whatever makes them happy," sabi ng aktor.

Si Aga Muhlach ay isang Filipino aktor. Siya ang asawa ni Charlene Gonzales at may kambal silang anak na ngayo'y mga teenagers na.

Awkward phone call prank. The guy is just walking around in the street discussing weird stuff loud. And this is how people react On Kami YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika

Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika

Parang magkapatid lang! Ina Raymundo finally introduces eldest daughter Erika
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel