Wow, bigating projects agad! Regine Velasquez, tatlo kaagad ang show sa ABS-CBN

Wow, bigating projects agad! Regine Velasquez, tatlo kaagad ang show sa ABS-CBN

- Ibinalita ni Regine Velasquez ang mga proyektong nakalaan para sa kaniya sa ABS-CBN

- Tatlong malalaking shows kaagad ang naibigay sa kanya sa kaniyang paglipat

- Ayon kay Regine, ang ilan sa mga ito ay unang beses niyang gagawin sa kaniyang career

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang mga nakalinyang proyekto na inalok sa kaniya ng ABS-CBN matapos nitong maging opisyal na Kapamilya artist.

Nalaman ng KAMI na tinapos na ng beteranang singer ang mga haka-haka tungkol sa network transfer dahil pormal na siyang pumirma ng kontrata sa nasabing channel.

Matapos ang naging emosyonal na pagpirma, ibinunyag ni Regine na may tatlo na agad siyang show na gagawin bilang isang Kapamilya artist.

Isa na rito ay ang pagiging regular sa Sunday noontime variety show na ASAP kung saan makakasama niya ang iba pang beteranong singers sa bansa.

Sa katunayan, hindi pa man pormal na pumipirma ng kontrata ay kasama na ang pangalan ni Regine sa mga artistang lilipad papuntang Sydney para sa ASAP Live show doon.

Sinabi ng mang-aawit na nais niya talagang maging parte ng isang variety show at nagpapasalamat siya sa oportunidad na ibinigay sa kaniya.

"I really missed having a variety show, and being part of a whole group of singers, singing and doing production numbers, I really, really miss it,” pahayag ni Regine.

“So thank you, thank you from the bottom of my heart," dagdag pa niya.

Bukod sa variety show, nakatakda din daw na bumida ang dating Kapuso diva sa isang sitcom kasama ang kaniyang asawa na si Ogie Alcasid at ang aktor na si Ian Veneracion.

Ayon kay Regine, ito ang kauna-unahang pagkakataon na bibida siya sa isang sitcom kaya excited na daw siya para dito.

"For the first time also, I'm going to have a sitcom. I've never done a sitcom before, and nae-excite po kasi I'm gonna be working with my husband, so I'm very excited about that," paliwanag niya.

"Yung nakikita niyo sa Instagram ko na magulo kami ng asawa ko na parang mag-jowa lang kami, dream ko talaga to work with him. And now I'm given this sitcom, so I'm very excited," sabi pa niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isa rin sa mga inaabangan ng fans ay ang pagiging hurado ni Regine sa isang singing competition na ayon sa kaniya ay first time niya din gagawin.

“Idol Philippines” ang pamagat ng show at natutuwa daw siyang madaming projects ang first time niyang gagawin sa buong career niya.

"First time ko din ever. Magiging part din ako ng mga isa sa mga judges po ng 'Idol Philippines.' 'Yan ang title, So first time ko mag-ja-judge,” sabi ng singer.

“Bilang hindi akong judgmental na tao, ngayon mag-ja-judge ako ng isang singing contest. Nakakatuwa parang ang dami kong first," dagdag pa niya.

Kabi-kabila na din ang mga nakalinyang guesting ni Regine sa Kapamilya network at siya na rin ang aawit ng theme song ng upcoming teleserye na “The General’s Daughter.”

Sa nakaraang ulat ng KAMI, ibinunyag ng bagong Kapamilya singer ang dahilan kung bakit tahimik siya dati sa haka-haka na lilipat siya ng network.

Si Regine ay isang multi-awarded Filipino singer at record producer. Ilan sa kaniyang mga awards ay ang MTV Asia's Favorite Artist Philippines noong 2002, Aliw Awards' Entertainer of the Year noong 2007, at Star Awards for Music's Natatanging Alagad Ng Musika.

POPULAR: Read more news about Regine Velasquez!

Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people to death! (Laughs evilly) – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nicko Falcis’ brother faces media & accuses Kris Aquino of sending death threat

Nicko Falcis’ brother faces media & accuses Kris Aquino of sending death threat

Nicko Falcis’ brother faces media & accuses Kris Aquino of sending death threat
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel