Double kill! Senatorial candidate, nais ipa-ban ang dota at clash of clans

Double kill! Senatorial candidate, nais ipa-ban ang dota at clash of clans

-Isang Filipina na kumakandidato bilang senador ang nais daw na ipa-ban ang mga larong dota at clash of clans

-Si Beth Lopez, 58-anyos ay naghain ng kanyang COC nitong Miyerkules at tinawag ang sarili na "street educator"

-Bukod dito, nais din nitong ipawalang-bisa ang EPIRA o Electric Power Industry Reform Act, at ang Oil Deregulation Law na nagpapahirap daw sa mga Pilipino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang nga video games na dota at clash of clans (coc) ang ilan sa mga pinakasikat na laro ngayon sa mga kabataan.

Ngunit nais itong ipa-ban ni Beth Lopez, isang kumakandidato sa pagka-Senador, at nais daw nitong papalitan ito ng mga educational games na tungkol sa pag-aaral.

"Ang plano kong ipalit ay mga laro pang-edukasyon. Halimbawa, social studies na laro. So nananawagan ako sa mga programers ng ating bansa, gumawa po kayo ng kabutihan para sa taumbayan. Ang gawin niyo po, mga subject na laro. Sa gayon, magdamag man sila sa internet cafe, hindi lang sila naglalaro kundi nag-aaral ng leksiyon," ani Lopez.

Bukod dito, nais din nitong ipawalang-bisa ang umano'y 'useless laws' tulad ng EPIRA o Electric Power Industry Reform Act, at Oil Deregulation Law, na siya daw nagpapahirap sa mga Pilipino.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"'Yan ang nagpapahirap sa atin. Hindi naman ang sinasabi ng mga oil companies na 'yan," anito.

Si Lopez, 58-anyos, ay nagfile ng kanyang certificate of candidacy nitong Miyerkules, huling araw ng paghahain nito. Nagpunta umano ito sa COMELEC noong unang araw ng pagpa-file ng coc ngunit hindi ito pinapasok dahil sa kakulangan ng dokumento.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, dati na rin itong kumandidato noong 2016 ngunit na-disqualify.

"Actually baka mag-number 1 pa nga ako e," ayon dito na tinawag ang sarili na 'tunay na senador ng bayan'

Can Filipinos sing? We are going to check it in this episode of “HumanMeter”! How will we do it? The answer is… Filipino karaoke right in the streets! We’ve decided to go into the streets of the Philippines and ask random people to stop for a while and sing karaoke – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
DFA chief Locsin dares to ‘kill’ anyone who asks for birth certificate during passport renewal

DFA chief Locsin dares to ‘kill’ anyone who asks for birth certificate during passport renewal

DFA chief Locsin dares to ‘kill’ anyone who asks for birth certificate during passport renewal
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel