Na naman? Gurong napaslang, sinaksak at minartilyo ng may gusto raw sa kanya

Na naman? Gurong napaslang, sinaksak at minartilyo ng may gusto raw sa kanya

- Isa na namang kaso ng pagpatay sa guro ang naganap sa Passi, Iloilo

- Pinaniniwalaang may gusto sa biktima ang suspek dahil sa natagpuang walang saplot ang bangkay nito

- Ninakawan din daw ang guro dahil sa mga nawaalang gamit sa bahay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang kaso ng pamamaslang sa isang guro ang naganap sa Passi, Iloilo.

Nakilala ang biktima na si Maria Corazon Tionzon na guro ng ikatlong baitang.

Ayon sa ulat ng GMA news, natagpuan daw ng labandera ang guro na walang buhay sa kanyang kwarto.

Nalaman ng KAMI na walang saplot ang biktima at nakadapa ang bangkay sa kanyang kama. Dahil dito, malaki raw ang posibilidad na may gusto ang suspek sa biktima.

Nagtamo ng mga saksak ay minartilyo pa raw ang ulo ng guro. Nakagapos din ang biktima.

Ayon sa imbestigasyon ng pulis, bukod sa pamamaslang may anggulong pagnanakaw din sa biktima dahil sa mga nawawalang gamit sa bahay nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Patuloy ang imbestigasyon at paghahanap sa suspek ng krimen.

Samantala, ito ang pangalawang krimen na kinasangkutan ng pagkamatay ng guro. Kamakailan, napaslang sa mismong paaralan ang isang guro sa Pio Duran, Albay Bicol.

Tulad ng pagkapaslang kay Teacher Corazon, may pagtingin din daw ang suspek kay Teacher Mylene Durante na una nang naibalita ng KAMI.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel