Manny Pacquiao, may bwelta sa komento ni Terence Crawford na ‘di raw siya champion

Manny Pacquiao, may bwelta sa komento ni Terence Crawford na ‘di raw siya champion

- Para sa boxer na si Terence Crawford ay hindi raw champion si Manny Pacquiao

- Sagot naman ni Pacquiao ay takot lang daw si Crawford sa kanya

- Dagdag pa ng People’s Champ ay matagal na raw siyang iniiwasan ni Crawford

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Para kay People’s Champ, Manny Pacquiao, takot lang daw ang kanyang kapwa boxer na si Terence Crawford na kalabanin siya.

Nalaman ng KAMI na sabi ni Pacquiao, “Takot lang siya.” base sa report ng ABS-CBN News.

“Matagal na siyang umiwas sa akin,” dagdag niya pa.

Manny Pacquiao, may bwelta sa komento ni Terence Crawford na ‘di raw siya champion

Photo from Filipiknow
Source: Facebook

Ayon kasi sa report ng Spin.ph, handa raw si Crawford harapin ang mga champion sa boxing pero hindi raw kasama si Pacquiao rito dahil hindi raw champion ang tingin ni Crawford sa kanya.

“He’s not a champion in my eyes. He don’t have the super belt. That’s the champion in my eyes,” sabi ni Crawford.

“I look at the super and the actual champion of the division,” dagdag niya pa.

Kamakailan nga lang ay nakuha ni Pacquiao ang title ng World Boxing Association weltherwight 147-lbs nang makalaban niya si Lucas Matthysse.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Si Crawford naman ay nanalo laban kay Jose Benavidez Jr. nito lang kung saan nakuha ni Crawford ang title para sa World Boxing Organization welterweight.

Nagkomento rin si Pacquiao sa posibleng laban ng undefeated American boxer na si Floyd Mayweather Jr. at MMA fighter na si Khabib Nurmagomedov.

“I don’t know. I cannot comment on that. I don’t have it on my mind,” sabi ni Pacquiao.

Naiulat nga ng KAMI noon na na-move ang dapat magiging rematch ni Pacquiao at Mayweather ngayong taon. Sabi ni Mayweather ay may laban daw muna siya sa Japan bago niya haharapin ang People’s Champ.

POPULAR: Read more news about Manny Pacquiao here!

Can Filipinos sing? We are going to check it in this episode of “HumanMeter”! How will we do it? The answer is… Filipino karaoke right in the streets! You know, there is a stereotype that Filipinos are amazing singers. But nobody has checked that before! That’s why we’ve decided to go into the streets of the Philippines and ask random people to stop for a while and sing karaoke. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Matandang mamimili, huli sa akto ang paghingi ng sukili kahit di pa ito bayad

Matandang mamimili, huli sa akto ang paghingi ng sukili kahit di pa ito nagbabayad

Matandang mamimili, huli sa akto ang paghingi ng sukili kahit di pa ito nagbabayad
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel