Ano raw? Ina, nabahala sa maling impormasyon sa aklat ng anak na Grade 7

Ano raw? Ina, nabahala sa maling impormasyon sa aklat ng anak na Grade 7

- Umalma ang ilang magulang nang makita na mali ang impormasyon na nakasulat sa isang libro ng Grade 7

- Makikita kasi na "Banana rice tereces" ang nakasulat imbis na Banaue Rice terraces

- Tumugon naman ang DepEd at sisiguraduhing i-rereview muna ang mga libro bago ito ilathala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang magulang sa isang pribadong paaralan sa Baguio City ang nagpahayag ng pagkadismaya sa maling impormasyon na nakasulat sa textbook ng mga anak nila na na sa Grade 7.

Nalaman ng KAMI na isang magulang ng nagtago sa pangalang Esther ang nagpakita ng maling impormasyon at maling ispeling o baybay ng salit sa libro ng anak.

Makikita sa libro ang "Banana Rice tereces" na dapat sana ay Banaue Rice terraces.

Nabahala raw ang mga magulang na ito lalo pa at nasa pribadong paaralan ang kanilang mga anak ngunit tila ba ay di kalidad ang librong ginagamit dito.

Nangangamba sila na kung hindi ito maitama, ito na ang tumimo sa kanilang isap na maling impormasyon, mali pa ang baybay.

Makikita raw ito sa pahina 103 ng aklat nila sa MAPEH.

Samantala, nakarating na raw ang isyung ito sa Department of Education at nakita na rin nila mismo ang pagkakamaling ito sa aklat.

Ano raw? Ina, nabahala sa maling impormasyon sa aklat ng anak na Grade 7

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maaalalang di ito ang unang beses na nagkaroon ng "error" o maling impormasyon na nasusulat sa mga aklat. Nitong nakaraang taon, nilarawan ang mga igorot na maliit, maitim at kulot ang buhok.

Ayon sa regional office ng DepEd, naresolba na man ang naturang pagkakamali noong nakaraang taon.

Naghain na raw nong Setyembre 28 ng kasalukuyang taon ang DepEd ng memorandum na kinakailangang mabusisi muna ang mga impormasyon sa aklat bago ito tuluyang ilathala.

Ang institusyon na lalabag sa panukalang ito ay di na mabibigyan ng permit to operate.

Inaasahang isusumite sa DepEd ang lahat ng aklat na may maling konteksto upang maimbestigahan.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica