Pinay OFW, surpresang umuwi sa Pinas ngunit di na siya kilala ng kanyang pamilya

Pinay OFW, surpresang umuwi sa Pinas ngunit di na siya kilala ng kanyang pamilya

- Di nakilala ng balikbayang si Yeth Espiritu Cuadra ng kanyang ina nang siya ay surpresang umuwi sa Pilipinas

- Maging ang kanyang mga anak ay di agad siya namukhaan

- Halo-halong reaksyon ang binahagi ng netizens na nasasalamin lamang daw ito ng totoong sitwasyon ng isang OFW na nawalay sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Diyembre pa raw ng taong ito inaasahang uuwi ang OFW sa Riyadh na si Yeth Espiritu Cuadra kaya naman di siya pagbukasan agad ng kanyang ina na di siya nakilala agad.

Surpresang umuwi sa Pilipinas si Mayeth at sinabihan lamang niya ang kanyang matalik na kaibigan tungkol dito.

Binahagi niya sa kanyang Facebook ang nakakatuwa ngunit emosyonal nilang pagkikita ng kanyang ina at mga anak.

Nagpanggap lamang si Mayeth na naghahanap kay "Mayeth" nang buksan ng kanyang ina ang kanilang gate.

Sinabi pa ng kanyang ina na wala si "Mayeth" doon at sa Diyembre pa nga raw ito uuwi. Giniit pa ng kanyang ina na wala talaga roon si Mayeth at halos mangiyak-ngiyak na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maya maya pa ay nagpakilala na si Mayeth at doon agad na niyapos siya ng inang magkahalong luha at saya ang nadama.

Malaki raw kasi ang iginanda ng anak niya kaya di niya ito nakilala. Nang pumasok na sila sa bahay, maging ang anak ni Mayeth ay di siya agad nakilala kaya namandi niya ito sinalubong agad.

Kinailangan pang magpakilala ni Mayeth sa sariling anak bago pa ito yakapin at hagkan. Ngunit ang nakatatandang anak nito ay nakilala raw siya sa kanyang boses.

Ayon pa kay Mayeth, isang araw na siyang nasa Pilipinas at pinaghandaan lamang daw nila ang surpresa sa kanilang pamilya.

Samantala, samu't saring reaksyon ang binahagi ng netizens. Ayon sa kanila, ito raw ang totoong sitwasyon na nasasalamin sa buhay ng OFW. Maaring masaya na sama-sama sila sa surpresang pagbabalik, ngunit may kirot din lalo pa at halos di na makilala si Mayeth ng kanyang mga anak.

Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:

"Yung bata relate ako eh, like ng niece ko nung umuwi ako hndi ako kiniboan from airport hanggang VAN na pauwi kami sa house, but still lucky few hours at home she approach me nahihiya dw cya sa akin kc laki ng pinagbago ko, hahahahaha shock lng cya at parang di ako kilala at first , hahay OFW life"
" naiyak ako subra piling up pagowee ko ring baka ganyan anak ko hindi ako halos kilala kasi 5yrs n.a. hindi ko nakita sila .....huhuh sakit pala sa dibidb kon ganun mg uarii sa akin soon"
"May ganyan n anak parang nahiyang lumapit k agad at cguro ilang taon n ndi cla nagkita maliit p cguro ansk nya ng iwanan sa mama nya kaya yon ang reaction ng bata.."

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Reklamo ni legit, mas marami umanong naipundar si mister kay kabit

Lalaking Iglesia ni Cristo, 'di na inuwian si legit para kay kabit

Reklamo ni legit, mas marami umanong naipundar si mister kay kabit
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel