Deadma na? OFW, matapos tulungan ang kadugo, 'di na daw siya kilala

Deadma na? OFW, matapos tulungan ang kadugo, 'di na daw siya kilala

-Marami sa ating mga Pilipino ang hindi nakakalimot na tumulong sa ating mga kadugo

-Karaniwan na rin ang ganitong istorya sa mga OFW

-Ngunit isang kababayan natin ang naglabas ng kanyang sama ng loob sa mga kapamilyang tinulungan niya at ngayo'y deadma na raw sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Karaniwan na sa mga overseas Filipino worker (OFW) ang tumulong sa mga pamilyang naiwan sa Pilipinas.

Hindi na bago ang kwento ng ating kababayan na si Rose, na matapos daw tulungan ang tiyahin na may cancer at mabaon sa utang dahil dito, deadma na sa kanya ang mga anak nito na minsan din daw niyang natulungan sa tuition.

OFW si Rose ngayon sa Cyprus at nasa maayos na kalagayan naman sa amo. Ngunit naging maganda ang simula ni Rose sa pangingibang bansa.

Nakaranas umano siya ng 'di magandang karanasana sa unang subok niya bilang OFW sa Singapore. Dahil dito, lumipat siya ng bansang Jeddah ngunit hindi rin sinuwerte.

37kg na tankeng gas ang kanyang binubuhat paakyat na gamit ay hagdan lamang, maging tubig daw ay nagagawa niyang buhatin paakyat.

Deadma na? Matapos tulungan ang kadugo, 'di na daw siya kilala

Photo source: Rose
Source: UGC

Nakakaranas din daw ito ng pananakit mula sa babaeng amo, lalo pa at hindi daw maganda ang gising nito.

Bukod dito, may isa pang problema ang iniinda si Rose, hindi kasi sila nabiyayaan ng anak dahil sa problema ng kanyang asawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Natuto din umano itong mambabae at magwaldas ng pera ngunit ayon kay Rose ay nagbago na.

Ngunit dahil sa may pamilyang umaasa, hindi daw siya nakaipon at ang pangarap na bahay ay yero ay plywood pa lamang.

Sa ngayon, ang amang may sakit naman ang kanyang tinutulungan.

Nais na umano niyang umuwi sa Pilipinas at makasama ang pamilya. Hinikayat na rin siya ng asawa na bumalik na lamang kahit na wala silang naipon.

Can Filipinos sing? We are going to check it in this episode of “HumanMeter”! How will we do it? The answer is… Filipino karaoke right in the streets! We’ve decided to go into the streets of the Philippines and ask random people to stop for a while and sing karaoke – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel