Comelec spokesperson, nagbitiw bilang focal person dahil daw kay Jessy Mendiola

Comelec spokesperson, nagbitiw bilang focal person dahil daw kay Jessy Mendiola

- Biglaang nagbitiw sa pwesto si Comelec chairperson na si James Jimenez dahil daw sa aktres na si Jessy Mendiola

- Di sinasadyang lumabas ang larawan ng aktres nang gamitin ang personal na laptop na ginamit sa presentasyon

- Nilinaw ni Jimenez na tanging ang posisyon niya bilang focal person ng source code ang kanyang binitiwan at di ang pagiging Comelec spokesperson

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Biglaang nagbitiw sa pwesto si Comelec chairperson, James Jimenez bilang focal person sa local source code review ng 2019 automated elections.

Ito at dahil sa aksidenteng paglabas ng larawan ng aktres na si Jessy Mendiola na nakabikini sa presentasyon sa naganap sa local source review noong Sabado, Oktubre 13, sa isang unibersidad.

Pormal na naghain ng resignation si Jimenez nitong Lunes, Oktubre 15.

Habang ginaganap ang presentasyon ng source code, nagkaroon ng technical glitch kung saan bumalik sa default wallpaper ang ginamit na laptop at lumitaw ang larawan ng aktres na kasintahan ni Luis Manzano.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“There was a small technical issue involving flashing of a photo which was inappropriate for the event,” pahayag ni Jimenez sa naganap na press briefing.

Inako ni Jimenez ang responsibilidad sa di inaasahang naganap na kinagulat ng marami. Humingi siya ng paumanhin at minabuti niyang magbitiw sa posisyon bilang focal person ng source code ng eleksyon 2019.

BInigyang linaw niya mananatili pa rin siya bilang Comelec chairperson at nagbitiw lamang siya bilang focal person ng source code review

“Mananatili pa rin naman akong Spokesperson ng Comelec, doon lang naman ako sa focal mag-resign, may mga pangalan naman akong ibinigay ng posibleng makakapalit ko,” wika ni Jimenez.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte, Robredo, and Poe answer speculations about Presidential bid in 2022

Duterte, Poe, and Robredo finally answer speculations about Presidential bid in 2022

Duterte, Robredo, and Poe answer speculations about Presidential bid in 2022
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel