Pinay OFW, nagpapasalamat sa paglaya mula sa dating asawa

Pinay OFW, nagpapasalamat sa paglaya mula sa dating asawa

-Dala ng kahirapan, natutong magrebelde si Iza sa kanyang mga magulang

-Dahil dito, menor-de-edad pa lamang siya nang siya'y mag-asawa at mapalayo sa kanyang pamilya

-Ngunit naging mapait ang buhay may-asawa ni Iza sa kabila ng 3 biyayang anghel sa kanya na siyang dahilan ng kanyang pagpupursige sa kasalaukuyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Laki sa hirap ang ating kababayan na si Iza at tulad ng ibang kabataan, may mga panahong nagtanim siya ng sama ng loob sa mga magulang.

Pinay OFW, nagpapasalamat sa paglaya mula sa dating asawa

Photo source: Iza facebook
Source: UGC

Nang magkaroon siya ng nobyo na mas matanda sa kanya, na inayawan ng kanyang mga magulang, marahil ay dahil sa siya'y menor-de-edad pa lamang ng panahon na iyon, nagkaroon ito ng tapang na umalis sa poder ng mga magulang.

Ayon kay Iza, nagpaalam daw sa kanya ang kanyang nobyo na uuwi na ito sa bayan kung saan ito lumaki dahil nais daw itong ipapatay ng kanyang magulang.

Pumayag daw si Iza na umalis ito dahil ayaw niyang mapagbintangan ang kanyang pamilya sakaling may mangyari nga dito.

Makalipas ang isang buwan, bumalik ito at nais siyang isama. Dala ng sama ng loob na naipon para sa mga magulang, napapayag daw siya nito.

Ngunit kahit na nangako pa daw ang lalaki sa kanya ng maayos na buhay, kabaligtaran daw nito ang nangyari. Mabarkada at pala-inom daw ito at madalas na silang magtalo.

Dahil sa malayo na siya sa mga magulang, sinarili na lamang niya ang lahat ng hinanakit lalo pa nagkaroon sila ng tatlong anak.

Isang gabi raw na lasing ito at pinagbuntunan sila nito at nais pa umanong ipasaksak ang sarili sa anak nila. Na nauwi pa sa muntik na ring pananaksak sa kanya. Bukod sa pananakit sa kanya nito, pagkapagod na rin ang nagtulak sa kanya na tuluyan itong iwan.

Nagpasya siyang mangibang-bansa at sinuwerte naman na makatagpo ng among mabait sa Oman.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit hindi pa rin natapos ang pangaabuso ng asawa, ang mga ipinapadala raw niya ay nauuwi lang sa mga barkada ng dating asawa at ipinagdadamot sa kanyang anak ayon sa sumbong ng panganay na anak nila.

Doon na siya tuluyang nasagad at hindi na umuwi pa sa bayan ng dating asawa. Bagkus ay6 sa kanilang bayan na siya umuwi at doon na lamang pinapunta ang kanilang mga anak.

Sa kasalukuyan, makakapagpatapos na raw si Iza ng kanyang kolehiyo at kuntento na sa kanyang buhay sa Oman.

Payo ni Iza sa mga kabataan, huwag magmadali sa mga desisyon sa buhay at makinig sa mga magulang upang hindi mauwi sa mas malalang problema para sa hinaharap.

Pinay OFW, nagpapasalamat sa paglaya mula sa dating asawa

Photo source: Iza facebook
Source: UGC

Can Filipinos sing? We are going to check it in this episode of “HumanMeter”! How will we do it? The answer is… Filipino karaoke right in the streets! We’ve decided to go into the streets of the Philippines and ask random people to stop for a while and sing karaoke – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dalagitang malaki ang pinayat, ginawang inspirasyon ang dating sarili

Dalagitang malaki ang pinayat, ginawang inspirasyon ang dating sarili

Dalagitang malaki ang pinayat, ginawang inspirasyon ang dating sarili
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel